(A/N: Short UD po muna.)
SOPHIA
NAKAYUKO ako habang papasok sa room. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga ipinagtapat ni Tomy kanina. Muli na naman akong napailing dahil doon. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang nararamdaman ni Tomy. Matagal ko na rin itong napapansin pero dahil nga sa ugali niya at palabiro isama mo pa ang pagiging isip bata ay hindi ko talaga aakalaing magagawa niya iyon.
Napangiti na lamang ako dahil sa unti unti niya ring pagbabago. Hindi niya pa maamin sa ngayon, pero alam kong napalitan na ako sa puso niya.
Napaangat na lamang ako ng tingin nang may makitang dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Nakita ko na naman ang mukha niyang kahit siguro sapakin mo ay ngingiti pa rin.
"Hey there, Liz! Saranghaeyo!"magiliw niyang wika habang nakangiti. Napangiwi naman ako at maya maya ay nakarinig ng malakas na pagtawa. Napatingin naman ako kay Darryl at bahagyang napataas ang kilay habang nagpapalit palit ang tingin sa kanilang dalawa.
"Why? Am I mali ba?"nabaling naman ang tingin ko kay Kc na kunot na kunot na ang noo ngayon.
"Nado."tipid kong sagot at naupo na sa aking upuan.
Dali dali naman itong lumapit kay Dj at bumulong ngunit rinig ko parin.
"Psttt. What's ba 'yung nado?"tanong niya dito.
"She said 'same'."parang napipikon na ring sagot ni Dj pero pinipilit niya lang na wag mainis. Nakangiting tumakbo naman sakin si Kc at niyakap ako bigla na ikinagulat ko.
"Waahhhh! I love you more, Liz!"
Napailing na lamang ako dahil sa kanya.
"Tsss.you're crazy."
Nakarinig naman muli ako ng halakhak kaya napatingin ako kay Dj. "Hahaha. You say so, noona?"
Nginusuhan ko naman siya dahil sa kaka noona niya sakin. Tss. Halata namang mas matanda siya sa'kin eh. Psh.
"Tss.you two! Pinagtutulungan niyo ako! Hmmp."
Umaarte pa siyang parang naiiyak kaya tawang tawa naman itong si Darryl. Ipinatong ko na lamang ang aking braso sa arm chair at doon inihiga ang ulo para matulog.
- - -
'Dito ka lang muna, Phia.....'
'Dito ka lang muna, Phia.....'
Phia?.......That voice......
'I will always be by your side, Phia. Trust me,"
'PHIAAA!!'
May naaaninag akong lalaking nakangiti pero hindi ko makita ang mukha niya dahil malabo ito sa aking paningin. Hindi ko alam pero bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Ngunit kasabay no'n ay ang matinding kirot sa aking ulo.
'Promise me you'll going to marry me when we get older.'
'Tsss..gusto mo ngayon na eh!'
'Eh? Ang bata pa kaya natin!'
'Ayaw mo nun? Para akin ka lang?'
'Hmmmm...sige.'
'I love you, Sophia...'
'Pero...may iba na akong gusto.'
'I don't care.'
'Hindi mo na dapat nakita 'yon. Isang pagkakamali ang nagawa mo.'
'PHIAAAA!!!'
Napamulat ako ng mata dahil sa sobrang kaba. Habol ang hininga kong hinawakan ang aking ulo at napapailing habang paulit ulit na naglalaro sa isip ko na para bang sirang plaka ang mga linyang iyon.
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Mystère / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...