CHAPTER 8: Highschool Night2 and the Mysterious Necklace

1K 72 0
                                    

SOMEONE

"KUMUSTA naman ang ipinapagawa ko sayo?"

Natigilan naman siya at yumuko. Mukhang alam ko na ang sagot.

"Pasensya na po, w-wala pa akong balita."

Napakuyom naman ako ng palad.

"You still don't know whoever's the leader of that freakin' gang?!"galit kong sigaw sa kanya. Gulat naman siyang napalayo ng itapon ko ang hawak kong wine glass sa tabi niya.

"M-my apologies, m-master."nanginginig na ani niya at nagmadaling lumuhod. Agad ko namang kinalma ang aking sarili upang pigilang hindi siya masaktan. Just thinking of it makes me sick. Sino ba talaga? Siya na nga ba talaga? Tangina.

"What happened to that boy?"mahinahon kong tanong na ang tinutukoy ay si Flame. That dimwit doesn't even bothered to tell me the truth. The real villain. Isa siyang taksil.

"I-inilibing na po agad namin siya a-at sigurado naman po akong w-wala nang maghahanap sa kanya."paliwanag niya naman. "Nabalitaan ko namang w-wala na po siyang kahit ano'ng pamilya...kaya marahil po s-sigurong mas ginusto niyang mamatay na lang.

"And what happened to those toys na tumulong sayo, Fire?"paniniguro ko.

"P-pinatahimik ko rin po sila."

"Just make sure of that."matalim ko siyang tiningnan. Agad niya namang iniwasan ang kanyang tingin at yumuko.

"Yes, master."

Muli akong napasulyap sa Athena High. Makikilala rin kita...at sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sayo...humanda kayo. Sisirain ko ang AC9.

"Hanapin mo ang kwintas ko." My last words before going back to the party.

SOPHIA

This day was so boring.

"Sophie, sayaw tayo."nakangusong anyaya ni Tomy. Tss. Ang arte talaga ng bakulaw na 'to! Ba't hindi na lang si Trixie ang ayain niya?

Inis ko naman siyang tiningnan at kinunutan ng noo.

"Say it again and I'll make you shut up!"inis na singhal ko na lalo pa niyang ikinanguso. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ayoko nga! Hindi niya ba maintindihan 'yon? Palibhasa isip-bata.

"Hayst! Dito na nga lang ako! Buti pa sina Krisxa at Raine may mga kasayaw! Tssk!"pangongonsensya niya. Inismiran ko naman siya.

"There are tons of womens here in Athena, you are free to dance all of them. Trixie's right there! Just don't disturb me."nakapikit na sabi ko at sumandal sa plastic chair ko.

"Tss. Bitches and mangkukulam? Nah! Baka kung ano pang gawin sa'kin ng pandak na 'yon!"napa iling na lang ako.

"Ang oa mo masyado."narinig ko naman ang pagtatadyak niya.

Maya-maya ay umiba naman ang music at pagkamulat ko ay kasayaw ko na si Tomy. Kunot noo ko siyang tiningnan dahil nakapatong na ang braso ko sa leeg niya at nakahawak naman siya sa bewang ko.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang kumilos ng hindi ko namamalayan. Tss. He's Tomy by the way.

"What do you think you're doing?"inis kong singhal sa kanya. Sinuklian niya lang ako ng matamis na ngiti.

"Wag ka na ngang umangal, di ka na nasanay sa'kin,"malambing na sabi niya kaya napa irap ako. Try harder, Tomy.

Ngayon ko lang siya napagmasdang mabuti. Nakasuot siya ng asul na maskara at asul ding suit. Muli ko namang nasilayan ang asul niyang mata na nagpaalala sa'kin sa....hayst! Ba't ko ba inaalala 'yong asul na weirdo na yon?

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon