CHAPTER 23: Muling Paghaharap

594 40 0
                                    


"KYAAHHHHH! Guys! May na saw ba kayo yesterday na news from the FB?"tanong ni Kc habang sarap na sarap sa pagnguya ng paborito niyang tahong.

"What news?"kunot noong tanong ni Sophia at pasimpleng inilayo ang isang tasong nakahaing may lamang mga tahong. Sumingit naman sa usapan nila si Tj na ngumunguya naman ng pritong baboy.

"About ba sa boyband ng K-pop? At iyong sikat na kanta nina Bruno Mars? What was it's title again? Ahah! Just the Way You Are?"nanlaki naman ang mata ni Kc.

"Yeah! Waaahh! Paano mo na know, Trixie? You're my idol na talaga!"

"Malamang nabasa nga niya sa FB 'di ba?"nakangiwing wika naman ni Raine at walang ganang kinuha ang pritong baboy ni Tj.

"Said ko nga!"nakanguso nang wika ni Kc.

"By the way. Congrats again, Sophie!"nakangiting bati naman ni Tomy kay Sophia nang maalala na nadala itong muli sa Ranking nila.

"Thank you, Tomy."nakangiti namang sagot nito sa kanya kaya napangiti pa lalo siya ng malapad. Siniko naman siya ng kapatid na si Luezelle.

"Oppa. Wag masyadong pahalata,"bumumgisngis ito kaya sinamaan siya ng tingin ni Tomy. Napatingin naman silang lahat kay Sophia.

"What?"takang tanong nito sa kanila at nakangiting sinubo ang peperonni pizza.

"What's ba na-eat mo, Liz? You're in magandang mood yata today ah? Yiiee."

"Pizza? You want?"alok niya kay Kc pero iniharap lang sa kanya nito ang dalawang tahong kaya napangiwi siya.

"Waah! Of course hindi!"

"Ms. Gonzales, do you want sandwich?"alok naman ni Dj dito ngunit tinanggihan din siya.

"No, Mr. Maiven. Salamat na lang ng many because my paborito is eto! What's nga ba this?"

"It's a mussel,"

"Yeah! It's a muscle!"

"Pffttt!"

"Why ba? Am I that bobo? Of course ito ay muscle!-- Wait? Muscle?"

"Mussel. M.U.S.S.E.L! Sa tagalog ay tahong tsk. Kain kasi ng kain hindi alam kung anong kinakain basta lang makakain. "pagtatama naman ni Tj kaya napanguso si Kc. Tinawanan naman sila ng mga kasama.

"How about you, noona? Do you like mussel?"pag aalok naman ni Darryl kay Sophia na kaagad din naman nitong ikinailing.

Magsasalita na sana siya ngunit pinutol siya ni Axe.

"She doesn't eat seafoods."natigilan naman silang lahat samantalang kumunot naman ang noo ni Sophia.

"Eh?"nagpapalit palit ang tingin ni Dj sa dalawa kaya tumikhim si Tomy.

"Yeah. She's allergic."wika nito.

Takang napatingin si Sophia kay Axe. Sa lahat ng pinaka ayaw niyang pagkain ay sea foods. At si Tomy lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Wala rin naman siyang balak na ipagkalat pa ito sa iba dahil minsan lang naman maghain ng mga putaheng lamang-dagat sa canteen nila.

"How did you--"

"I have my ways."bulong ni Axe at ngumisi sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Naalala kasi ni Axe noong mga bata pa sila na grabe ang pamumula ni Sophia nung first time nitong makatikim ng fresh na tahong. Labis ang kaba nilang lahat noong mga panahong iyon, tanging nagawa niya lang ay aluin ito at ipinainom sa kanya ang isang kutsaritang honey syrup. Hindi raw kasi ito makahinga ng mabuti. Buti na lang ay nawala rin iyon agad kaya nakahinga siya ng maluwag. Napangiti na lang si Axe ng palihim nang muli itong maalala.

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon