SOPHIA
TAHIMIK lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pinipilit kong hindi kumunot ang aking noo at umaktong wala lang sa'kin ang mga nangyari kahit ang totoo'y kilala ko ang mga lalaking iyon.
Nagparamdam na rin sa wakas ang Black Knight Gang(BKG). Hindi na ako magtataka kung bigla na lang magkaroon ng patayan at labanan sa pagitan ng ilang kkangpae dahil sa mga gawain nila. Kahit ako ay walang alam kung bakit nawala ng ganoon katagal si Head. May ideya akong pinaghahandaan lamang nila ang pagbabalik o hindi kaya'y may mahalagang bagay siyang inaasikaso. Pero kahit na ganoon ay wala akong pakealam.
Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil bahagyang kumirot ang aking ulo. Ang hinahabilin lamang sakin noon ni mommy ay huwag daw akong magisip ng napakalalim at huwag ko na lamang daw pansinin ang ilang bagay na magiging dahilan ng pagsakit ng aking ulo.
Wala na rin naman akong balak magtanong pa kay asul dahil kung sasabihin niya sa akin kung ano nga talaga ang dahilan ng pagpapakita ng mga lalaking iyon ay kanina niya pa dapat sinabi. Nanatili na lamang akong tahimik at walang imik dahil sa napakaseryoso niya ngayon kung magmaneho. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Ayaw niya atang magpa istorbo.
"Why are you thinking so deep?"
Maya't maya ay tanong niya kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kalsada ngunit pasulyap sulyap rin sakin kung minsan.
"Nothing."tipid kong sagot at muling tumingin sa labas ng bintana. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya ng konti nang hindi ginagalaw ang aking ulo.
"I'm sorry about what happened earlier."panimula niya. Napapikit ako kasabay ng pagkirot bahagya ng aking puso. Nakita ko ang nangyari sa kanya kanina at nakokonsensya akong ako dapat ang humingi ng tawad sa kanya dahil sa walang kwenta kong plano. Pinag alala ko siya.
Oo. Iyon talaga ang plano kong magpahuli sa lalaking iyon at huwag itong labanan ngunit hindi ko akalaing may gagawin silang hindi ko inaasahan kay asul. Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ang mata dahil sa palagi itong malamig. Alam kong sinisisi niya ang sarili dahil kung hindi pa dumating ang Draco na 'yon ay hindi pa sana kami makakatakas sa kanila.
Napangiwi na lamang ako nang maalala ang pinanggagawa sa kanya nung Dragon na 'yon. Masyadong madrama.
Ibinaling ko na ang tingin sa kanya at pinakatitigan siya. Gano'n na lamang ang aking pagkagulat nang may makitang may pasa siya sa pisngi. Namumula ang kanyang nakakuyom na kamao at ngayon ko lang din napagtanto kung gaano kabagal ang pagpatakbo niya ng kotse.
Nakonsensya tuloy ako.
"Stop the car at lumipat ka dito sa kinauupuan ko."
Nagtataka niya naman akong tiningnan.
"Why?"
Napairap na lamang ako dahil ang matalinong lalaking 'to ay may pagkaslow din pala.
"Just do it!"inis na singhal ko sa kanya kaya inihinto niya na lang bigla ang kotse sa tabi ng kalsada at kamot ang ulong lumabas. Mabilis din akong lumipat sa driver's seat dahil nasa passenger seat ako kanina.
"What do you think you're doing?"tanong niya nang makapasok muli sa kanyang kotse at umupo sa passenger seat.
"Isn't it obvious? I'm driving."nakangiwi kong sagot at nagsimula nang buhayin ang makina. Hindi na lang siya umimik kaya sumeryoso naman ako.
"You're one of the gangsters, aren't you? They're not going to rushed here, attacked you and waste their time if you're not. Am I right?"pranka kong tanong na ikinatigil niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Mystery / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...