SOPHIA
"KYAAHH!"
Kumunot naman ang noo ko nang may marinig na tilian sa loob. Anong meron? Hindi naman boses ni Mommy yun dahil hindi rin naman siya tumitili? Well, pwera na lang kung nandito si---omo!
Dali-dali akong pumasok sa loob at tiningnan kung tama nga ba ang hinala ko. Hindi nga ako nagkamali dahil nagkita-kita ngayon ang magbabarkada.
"Hahahha! Syempre naman, sis!"
Napailing na lang ako nang makita silang lahat sa sala. May nakahanda nang juice at fried chicken sa mono block table namin at may tatlong basong wala pang laman.
I was about to continue my way on going up stairs in my room, when someone called my precious name kaya napahinto ako at alangang napatingin sa kanila.
"Kon'nichiwa, Sofia o tabemashita!"(Hello, ate Sophia!)
Ngumiti ako kay Elle at bumaling kina Mommy na nakangiti na ngayon habang nakatingin sa akin.
"Anong meron?"takang tanong ko sa kanila. Pormadong-pormado silang lahat na para bang may reunion ngayon. Samantalang si Tomy naman ay pinagdespatsahan ang fried chicken na nakahain, hindi pa yata ako napapansin basta may pagkain talaga.
"Hahahha! Welcome back, Sophia baby!"magiliw na bati sa akin ni tita Jean kaya napatingin na sa gawi ko si Tomy at ngumiti ng malapad kahit may laman pang manok ang bibig. Isip-bata talaga.
"Hai, Shophie!"ngumunguyang bati niya na ikinangiwi ko. Ang baboy niyang kumain. Kapag nakita siguro siya ni Trixie sa ganitong sitwasyon ay aasarin na naman siya nito magdamag. Makuhanan nga ng litrato, hehe.
Ngumuso na lamang ako nang marinig ko ulit ang baby na palaging tinatawag sa'kin ni tita Jean. Ang pangalan nga pala ng Mommy at Daddy nina Tomy na nandito ngayon sa bahay ay sina tita Claudette Jean Cristobal at tito John Miguel Cristobal.
Niyakap niya ako kaya wala na akong nagawa lalo na't pinanlakihan ako ng mata ni Mommy. Ngayon ay alam niyo na kung kanino nagmana sina Tomy.
"Kailan po kayo dumating, tita Jean?"tanong ko matapos ang yakapan namin.
"Ahahaha! Yesterday lang, baby."nakangiting sagot niya at sumimsim ng juice.
"Where did you go, Sophia?"tanong naman ni tito Miguel
"Namasyal lang po tito."ngiti ko naman. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot mula sa likuran ko si Elle habang nakatingin sa librong dala-dala ko.
"Woah! My Bird-brain Fake Wife'ba yan?"
Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa librong hawak ko. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko naman alam na sikat pala ang book na 'to.
"Hahahha! You know what, onēsan? It's maganda kaya! Basahin mo na, now na! Sikat na sikat 'yan sa book store!"pagtili niya kaya napa atras ako ng konti. Ang sakit kaya sa tenga.
"Oo na. Baka ma-spoil mo pa ako eh. Tsk."bumungisngis lang siya at kumuha na din ng fried chicken.
"Oh siya! Mamaya na muna yan, dito na kayo kumain sis, huh?"ani ni mommy.
"Okay, sis!"
May nauna na ngang kumain eh, feel at home pa. Hay nako, Tomy! Kung yung pamilyang Reins ay parang laging nag aasaran etong pamilya Cristobal naman ay mga isip-bata! Ughh!
Pumunta na muna ako sa kwarto ko at inilagay sa book shelves ang librong binili ko bago tumungo sa dining room.
"Kamusta naman ngayon ang business ninyo, Miguel?"tanong ni Dad kay tito. Nagpunas na muna ito ng tissue sa bibig bago siya sinagot.
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Mystery / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...