CHAPTER 18: The Antagonist Part 2

557 46 0
                                    

(A/N: short ud po muna )

SOPHIA

"LONG time no see, Axe Clifford Reins."

Nakangisi na ngayon habang matalim na nakatingin nang deretso kay Axe ang lalaking naka kulay pulang mask. Makahulugan at madiin ang tinig nito na para bang may nais ipahiwatig. Base sa nakikita ko habang nagtitigan silang dalawa ay makikita ang panlilisik ng mata nito at halata ang matinding pagkangisi na para bang nanalo siya sa loto.

Bumaling naman ang tingin nilang lahat sa akin nang makita akong nakatago sa likod ni Axe. Kumunot ang kanyang noo ngunit agad ding nawala.

"Hindi mo sinabing may kasama ka palang chix."

Matutunugan ang pagngisi ng lalaking nasa kaliwa naman niya habang nakatingin sakin ng may pagnanasa. Napangiwi naman ako ng palihim. Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Axe at sigurado akong ngayon ay nagpipigil pa siya.

"Wag niyo siyang idamay dito. What do you want?"malamig na tanong ng nasa unahan ko sa kanila.

Humagalpak sila ng tawa na tila ba nanunudyo.

"That...girl."bumaling silang lahat sa akin pero inirapan ko lang sila. Tss. Napapay pay na lang ako dahil sa sobrang init. Kung hindi sana ako sumunod sa utos ng damuhong na asul na to ay hindi pa sana ako nadamay. At bakit nga ba ako sumunod sa kanya? Psss.

Ngumisi na lang si Axe sa kanila at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "If you can take her.....away from me."

Napalitan ng malamig na awra ang dating niya at kahit nakangisi ay makikita mo rin ang panlilisik ng kanyang mga mata at ang pag igting ng kanyang panga. Sa tensyon ngayon, mukhang isang maling galaw kung ng kung sino sa kanila ay tapos na agad dahil nakakatakot talaga ang kanyang dating.

Napaatras na lamang ako nang biglang sumugod ang tatlong lalaki ngunit sa isang iglap ay nakita ko na lamang na natumba na ang lahat ng iyon. Wala na rin sa tabi ko si Axe dahil may biglang sumugod sa kanya habang kinakalaban ang tatlo kanina kaya lalo akong napaatras.

"Hey, miss."gulat kunwari akong napatingin sa likuran ko at napangisi na lamang sa isip nang may makitang lalaking naka itim na mask.

Bigla siyang may inilabas na kutsilyo kaya naalarma kunwari ako. Hindi ko maaring ipaalam sa kanila ang kakayahan ko. Isang maling galaw ko lang ay may posibilidad na makilala nila ako kaya mas mabuti nang mag ingat.

"naleul eongmang-eulo mandeun geos-eul huhoehal geos-ida.(You'll regret messing up with me.)"unti unting sumilay ang ngisi sa aking labi. Lalo pa itong lumawak nang makita kong mukhang hindi siya takot sa ginawa kong iyon sa kanya.

Mukhang makakapagsanay na ulit ako ah?

Susuntukin niya na sana ako pero mabilis ko ring hinawakan ang palapulsuhan niya upang pigilan ang kutsilyong tumama sa mukha ko. Mabilis ko ring tinapik ang kamay niyang may hawak na pocket knife at walang pag aalinlangan ko itong inikot na ikinagulat niya at sinipa siya ng malakas sa sikmura.

Para sa akin, ang tawag do'n ay self defense pa lang. Ayokong ipakitang kaya ko silang talunin kaya kailangan ko ring magpanggap

Napatingin naman ako sa gilid ko nang may lalaking naka mask uling dumating at agad na itinutok sa'kin ang hawak niyang sibat.

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon