SOPHIA
Acquaintance Party...8:00 P.MNAKANGITI akong bumaba ng kotse nang marinig ang tilian sa loob ng gym. May kung ano nang sinasabi ang baklang emcee na dahilan kung bakit umalingawngaw ang sigawan ng mga estudyante sa Athena.
I am just wearing my black cocktail dress, black boots with heels, at tinali ang buhok ko ng mataas. Simple isn't it? Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganito, pangalawang beses pa lang akong umattend.
"Let's go?"baling ko kay asul. Napataas naman ako ng kilay nang makitang nakatitig lang siya sa'kin at hindi pa gumagalaw. Isn't this man aware na malelate na kami?
Napaatras naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko kaya hinawakan niya ako sa bewang at marahas na inilapit sa kanya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Look at me."
Napalunok naman ako lalo na nang sinimulan niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan kasabay nito ang mabilis na pagkabog ng aking puso sa gulat. Marahan ko siyang inilayo sa akin dahil nakakaramdam na ako ng pag-iinit sa pisngi. Damn this man!
"Look at me lady."
"Bakit ba?"
Inismiran ko siya kaya natawa siya. Ano na naman kayang nakain ng asul na 'to? Bakit lagi na yatang tumatawa kapag kasama ako? Akala niya siguro ay the feeling is mutual na kaya siya ganyan. Porket ba umamin na siya sa'kin ay magpapa easy to get na ako? Wag ganoon!
"Here."taka naman akong napatingin sa maliit na kahon na inabot niya sakin. What's this? Magpopropose na ba siya ng ganito lang? Walang ka effort effort? Kumunot naman ang noo ko nang marinig na naman ang pagtawa niya. Ano bang masama kung nakaawang ang bunganga ko? Nagulat lang ako sa binigay niya.
"Open it, Lady. Damn."
Napakagat pa siya ng labi kaya hindi ko na naman maiwasang mapalunok. Inaamin ko, ang gwapo niya ngayon. Kahit simpleng one-side lang ang style ng buhok niya ay bagay naman sa kanya. Dinagdag pa doon ang asul niyang mga matang kumikislap ngayon.
Formal ang suot niya ngayon at kulay asul din ang suit niya. Dahan-dahan ko namang binuksan ang maliit na kahon. I bit my tongue nang makita ko kung ano ang laman no'n. It was a violet pendant. Hindi masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit. Gold pa design sa gilid nito. Napangiti naman ako ng palihim nang maalalang may kahawig ang pendant na 'to. This man is really impossible.
I remember my favorite cartoon character named Sophia the First. This violet pendant I am holding right now was just like her. Nagulat naman ako nang kunin niya sa kamay ko ang pendant at muli akong hinila palapit sa kanya. Dahan-dahan niyang nilagay sa leeg ko ang pendant at niyakap ako pagkatapos.
"Always remember that I love you, Sophia. I don't give a damn kung ilang taon pa akong naghintay sayo. Hindi ko lang talaga matiis na umamin ng maaga kahit hindi mo pa man ako naaalala. I'm scared of losing you again. I'm damn scared."
Napapikit ako upang pigilan ang sarili kong yakapin siya pabalik. Hindi parin maawat ang kabog ng puso kong may pinaghalong saya at kaba. Kumuyom ang kamao ko.
Hinalikan niya naman ako sa noo at pinagdikit din ang aming mga ulo. Napatitig naman ako sa mala-dagat niyang mata. Sadya nga talagang nakakalunod ito. Hindi ko akalaing ang taong may-ari ng mga matang ito ay magagawa akong lunurin. Lunod na lunod na ako, asul.
He smiled genuinely and caress my cheek.
"I love you,"
Ngumiti naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Misteri / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...