CHAPTER 32: Unchained Hearts Part-2

443 40 3
                                    


KATATAPOS lamang magbasa ni Trixie sa library kaya napagdesisyunan niyang bumalik na ng kanilang room. Di sinasadya ay nakasalubong niya naman si Tomy, nakayuko ito habang nakapamulsa.

Napalunok naman siya at tinatagan ang sarili para mabati ito ng maayos at nang hindi sila nag-aaway.

"H-Hoy! Tomy!"natigilan naman ito nang makita siya. Unti-unti namang sumilay sa labi nito ang isang ngisi at kumaway sa kanya. Namula naman siya at napaiwas ng tingin.

"Oyy! Haha, miss Mangkukulam!"

Bumusangot naman ang mukha niya sa sinabi nito.

"Tsk. Ewan ko sayong isip-bata ka!"akma sana niyang daanan ito ngunit natigilan din siya nang pigilan siya nito. Hinawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinarap siya sa kanya.

"Suss! Di ka naman mabiro, hahahha! By the way, anong nakain mo at tinawag mo akong Tomy ha?"napalunok naman siya at nag-isip ng isasagot dito. Sasabihin ba niyang dahil namiss niya lang ito? Binatukan niya naman ang kanyang sarili. Hindi niya iyon sasabihin! No way!

Natawa na lamang si Tomy nang makita ang pagbatok ni Trixie sa ulo nito. Pansin niya rin ang pamumula ng mukha nito. Binawi naman agad ni Trixie ang kanyang braso kay Tomy at matapang itong tiningnan.

"Trip ko lang?"sagot niya kaya pinitik ni Tomy ang noo niya. Sinamaan niya naman ito ng tingin.

"A-ano..k-kasi...may ibibigay sana ako sayo."gulat naman siyang napatingin kay Tomy nang mapahawak ito sa dibdib niya at nanlalaki ang mata siyang tiningnan.

"Talaga?! Liligawan mo na ako?! Naku, Trixie! Alam kong gwapo ako pero dapat--aray!"

"Hoy, abnoooyyy! Why would I court you, aber?! Duh? Sa ganda kong 'to manliligaw ako? No way lang!"

"Oh? Eh ano ba yan? Don't tell me magpopropose ka na? Huy! Bata pa tayo!"siya naman ngayon ang pumitik sa noo nito.

"Aray ko ha! Nakakadalawa kana! Kapag nagkaroon ng gasgas itong makinis kong noo, papalitan mo ng halik 'to!"

"A-anong sabi mo?!"

"Akin na 'yun! Ano ba 'yun?!"napatili naman siya nang subukan nitong kunin ang bag niya kaya tinawanan na naman siya ni Tomy.

"Maghintay ka nga! Isip-bata talaga!"

May kinuha naman siya sa kanyang bag at mabilis itong iniabot kay Tomy. Natigilan naman ito at natulala sa hawak niya.

"T-teka? Handy ko 'to ah? Paano napunta sayo 'to? Ninakaw mo? Ang bad mo, Mangkukulam! Baka mamaya isinumpa mo na akong maging pangit niyan!"

Napangiwi na lamang siya sa kaoa-yan nito.

"Binigay mo kaya sa'kin 'yan. Tsk. Umiiyak ako no'n at bigla mo yang binigay sa'kin. Sabi mo pa nga, you can keep it. Tapos ngayon sasabihin mong magnanakaw ako? Akin na!"nilayo naman nito sa kanya ang handy. Nanlaki naman ang mata niya nang mapansing nakasandal na pala siya sa dibdib nito. Nagkatinginan naman sila sa isa't isa. Ngayon niya lang din nakitang seryoso si Tomy kaya napalunok siya dahil sa kaba.

"Ikaw ang..."

Ang lakas na ng tibok ng puso niya. Napakagat pa siya ng labi habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin nito sa kanya.

"...kumuha ng handy ko! Huhuhu! Bakit ngayon mo lang siya binalik? Alam mo bang miss na miss ko na 'to si Pooh?! Kaasar naman! Nandyan lang pala sayo eh!"

Napatampal na lamang siya ng noo at walang ganang humiwalay sa pagkakasandal sa dibdib nito. Mukhang wala nga din itong pakialam nang magkadikit ang mga katawan nila. Ano pa bang aasahan mo kay Tomy? Isip-bata talaga. Napailing na lamang siya at iniwan si Tomy.

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon