AXE
DINALA ko siya dito sa park na paborito naming puntahan. Kasabay ng pagbabalik ko dito kasama siya ay ang pagbabalik din ng masasayang ala-ala namin dito. Hindi ko na tuloy mapigilang hindi mapangiti sa mga naalala.
FLASHBACK
"Phia! Come on, I want to show you something!"nakangiting sabi ng anim na taong gulang na si Axe sa kaibigan nitong si Sophia na ngayon ay masayang pinapanood at inaamoy ang mga bulaklak.
Nakangiti itong bumaling kay Axe at lumapit.
"Really? Anong ipapakita mo? Excited na ako!"tili naman nito at tumalon-talon pa kaya lalong napangiti si Axe. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at dinala sa park. Hindi mapawi ang saya at ngiti sa mukha ni Sophia dahil nagustuhan niya ang park na iyon. Aliw na aliw siya sa iba't ibang kulay na mga bulaklak at mula rito ay makikita mo ang papalubog na araw na pawang ngumingiti at nagpapaalam sa kanila.
"Cliff! I like this place! Pwede ba tayong pumunta dito araw-araw? I've always wanted to reach out for the sunset!"nakikiusap ang mga matang sabi ni Sophia kay Axe.
"As you wish...my princess,"nakangiti namang sagot ni Axe at umaaktong yumuyuko na para bang isang prinsesa ang kaibigan.
"Haha! Clifford! Habulin mo ako!"
Agad namang tumakbo papalayo si Sophia kay Axe na ikinatawa lamang nito.
"Bilisan mo! Maabutan na kita! Hahaha."nagsimula na ring tumakbo si Axe para habulin si Sophia. Masaya at patuloy silang naghahabulan hanggang sakupin ng dilim ang kalangitan.
FLASHBACK ENDS
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa katotohanang hanggang ala-ala na lang siguro ang lahat.
"Para kang baliw. Ngingiti tapos mamaya malulungkot at magbubuntong-hininga. Ano bang problema mo?"nakaawang pa ang kanyang labi habang tinatanong 'yon kaya naging matunog ang pagngiti ko.
"Adik ka ba?"muli na naman niyang tanong.
"Concern ka na ba sa'kin sa lagay na 'yan?"nakangising tanong ko kaya napairap naman siya.
"Masamang magtanong? And please kindly spell the word...A.S.A!"maarteng sabi niya at inirapan akong muli. Kita mo 'tong babaeng 'to.
"Sa pagkakakilala ko sayo ay hindi ka naman ata makakalimutin. It's just a simple warning but I think you forget it."natatawang sabi ko at naramdaman ko namang natigilan siya.
"Salamat dahil dinala mo ako sa magandang lugar na 'to,"
Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti na ngayon. Ngumiti na lang din ako at tiningnan ang mga ulap na ngayon ay pula na.
SOPHIA
Bakit kaya parang pamilyar ako sa lugar na 'to? Hindi ko lang maalala kung sa panaginip o kung saan ko ito nakita. Wala na rin akong balak pang alalahanin dahil kapag ginawa ko 'yon ay paniguradong sasakit na naman ang ulo ko na para bang binibiyak nang pinung-pino.
But this place is really beautiful.
"Paboritong lugar mo ba 'to?"tanong ko sa kanya at muling inilibot ang paningin sa buong park.
"Yeah. We are two actually na may gusto rin sa lugar na 'to."nakangiting sabi niya kaya hindi ko mapigilang hindi magtanong.
"Sino naman 'yong isa?"kunot noo kong tanong muli. Ngumiti naman siya pero alam kong peke lang iyon dahil ang ngiting iyon ay puno ng lungkot at pangungulila. I can also sees pain in his eyes kahit na hindi niya pinapahalata. Goodness! Kailan pa ako natutong magdescribe ng feelings?

BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Misterio / SuspensoPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...