"WILL YOU lower down your voice?"seryosong aniya at humalukipkip. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinaningkitan ng mata.
Lumapat ang labi ko nang makitang seryoso siya at mukhang malalim na naman ang iniisip. Well, masanay kana, Sophia dahil weirdo naman talaga 'yang lalaking iyan. Marahas akong napailing at saka pinagmasdan ang bawat kilos niya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at mariin akong tinitigan.
"You know...it's not good for you to become a Campus Princess," Natigilan naman ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay. Akala ko yata ay bet niyang asarin ako kaya ginawa niya ang mga creepy niyang tactics kanina? A mistake of my stupid heart for being sick earlier, why would I think of getting attracted over this jerk anyway?
"It's dangerous you know? Hindi mo alam ang takbo ng mga utak nila, hindi mo rin alam na pwede mo ring ikapahamak iyon."ngumuso ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko rin naman ginusto 'to. Kaya nga I decided to transfer here and become a low-key so that no one would dare to put me up in such positions cause I know na walang nakakakilala sakin na isa akong—err, heiress? But, nah nevermind.
But his words caught my attention. About him saying 'nila' and that 'dangerous' thing. My eyebrows knitted.
"What do you mean?"
"I'm just giving you a warning, sabon."aniya naman at tipid na ngumiti. Napatulala naman ako sa ganda ng ngiting iyon. Walang halong lamig, hindi pilit, at hindi rin ngisi. Ang cute niya tuloy—what? No! Hindi ko sinabi 'yon! Inisip ko lang! Hindi niya naman maririnig 'yon dahil isip lang, diba? Ba't ang daldal ko? Gosh, what am I thinking?
Napalunok ako at umiwas ng tingin nang bigla siyang ngumiwi at ang magandang ngiti niya kanina ay napalitan ng ngisi. Ang bipolar naman kasi ng asul na 'to. Magseseryoso tapos biglang ngingiti. Napakaweirdo niya talaga. Pati mood ko nababago, eh. I think becoming a campus princess is not really a great idea. Baka habang tumagal ang panahon magiging baliw na rin ako kagaya niya. Or mas worst...maging baliw ako sa kanya. Now that's bullshit, Sophia.
Inis ko siyang inirapan at lumabas sa Student Council's Office. I just realized that there's more time to waste over other things than being with this crazy President of SCO. Tinungo ko ang canteen B dahil lunch break na nga pala.
Pagkapasok ko ay nakita ko na agad si DJ na nakaupo malapit sa counter. Agad naman itong kumaway pagkakita sa'kin kaya nakapamulsang tinungo ko ang table kung nasaan siya.
"Anneonghasaeyo, Elizabeth!" masiglang bati niya as usual nang makaupo ako. Tinanguan ko na lang siya at tiningnan ang menu.
"Wait, I'll buy you some foods. Can you join me? Chaebal? (Please?)" napakunot noo naman ako nang ngumuso siya at pinapungay-pungay pa ang mga mata. What? I'm still gonna join without him blinking his two eyes. Sasagot na sana ako nang dumating naman sina Trixie. Nakatayo naman si Dj at handa na sanang umalis when Tomy made a scene.
"Hindi pwede! Sa akin—amin siya sasabay! Bah! Gusto mo yatang sinosolo ang Sophie ko, ah? Tandaan mo, akin siya! A.k.i.n!" Umalingawngaw naman ang sigaw nito sa buong sulok ng canteen. Natawa na lamang si DJ at 'yong tatlo ngunit ako ay sinamaan siya ng tingin. They find it funny but not for me.
"Anong sayo ako? Sino nagsabi, ha?"maangas na tanong ko sa kanya kaya lalo silang humalakhak. No one would dare to call me his or hers even that "mine" thing. No one's going to claim me, I'm no one's property.
"Ouch! It hurts, man!"nakangising tugon ni Darryl, inaasar si Tomy. Ngumuso naman ang isip-bata.
"Ako nagsabi, bakit?"taas-noong sagot niya naman dito at pinalaki ang dalawang mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/241406400-288-k922575.jpg)
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Misteri / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...