CHAPTER 17: Confession

679 55 10
                                    

SOPHIA

HINDI ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang kinukurot ang puso ko at gusto kong lumuha? Bakit pakiramdam ko ay may kung anong ibig sabihin ng pagyakap niya sa'kin?

Hindi ko alam pero napakasarap sa pakiramdam ang paraan ng pagkakayakap niya sa'kin. Alam kong para akong oa pero...pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanya? Ngunit kakaiba rin ang yakap na ito sa mga yakap na naranasan ko. Puno ng pangungulila.

Ugh! This is the first time that I feel something in my heart and I hate this. I'm afraid.

Kumalas siya sa pagyakap sa akin ngunit nanatili lamang akong tulalang nakatingin sa kanyang dibdib. Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Para bang pinipiga ang utak ko kapag pilit kong inaalala ang mga bagay na iyon. Ang paulit ulit kong napapanaginipan. Parang may kung ano kasi akong dapat malaman pero hindi ko rin maintindihan?

"Go to your next class now. And after that...I w-want you to come here."

Umiwas siya ng tingin nang tingnan ko siya. "And why would I come here?"tanong ko ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Ako na ang maghahatid sayo at baka kung mapano kapa. Tss..tanga ka pa naman."

Agad namang kumunot ang noo ko sa kanyang tinuran. Peste! Napakabipolar talaga ng weirdong 'to! May payakap yakap pa siya kanina at kung anong kadramahan tapos bigla na lang magbabago ang ugali pagkatapos?

Baliw talaga.

"Ewan ko sayo! Baliw ka na nga talagang weirdo ka!"inis na singhal ko sa kanya at padabog na lumabas ng SCO. Napapadyak na lamang ako sa inis at muling nadagdagan ng may maalala.

Sino naman kaya doon ang fiancé niya?

Napailing na lang ako at nakapamulsang naglakad sa school ground. Napahinto pa ako dahil kanina pa ako nakakaramdam na parang may nakamasid sa akin kanina pa.

Ako lang ang tanging estudyante na narito sa labas at hindi rin ako masyadong makita dahil malayo pa ako sa mga building at malapit lang sa isang malaking puno na kadikit ng isa pang hallway.

Itinuloy ko na lamang muli ang paglalakad ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang may maramdaman akong isang bagay na papunta sa akin. Hindi nakaligtas iyon sa akin sapagkat sanay na akong makarinig ng kahit na anong mahinang tunog basta papalapit sa akin. Mabilis kong inilihis ang aking ulo at tumingin sa puno ng narra. Agad naman akong napangisi dahil may napansin akong isang bagay na kumikinang mula rito.

Naglakad ako palapit sa puno at tama nga ang hinala ko. May nakita akong isang bagay...spear.

Napatingin naman ako sa kumuha nito mula sa puno at nakita ko siyang nakangisi na ngayon sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha marahil sa ginawa ko kanina. Walang emosyon ko siyang tinitigan at tinaasan ng kilay.

"Hey there, miss. You impressed me! Didn't thought of you effortlessly shunned a spear! Cool!"nakanganga niyang wika at nanlalaki pa ang mata habang nakatingin sa akin. Napalitan naman agad iyon ng ngisi habang hinihimas niya ang hawak na maliit na sibat.

Inismiran ko siya at muling itinuloy ang paglalakad pabalik sa room.

"Such a brute girl, eh?"narinig ko pang sinabi niya. Agad din akong napahinto dahil sa bigla niyang pagharang sa dinaraanan ko. Aaminin kong napahanga niya ako doon ng konti dahil ang bilis niya. Mabilis akong maglakad at nasisigurado kong dalawampu't limang pulgada ang layo namin. O dahil matangkad at mahahaba lang talaga ang binti niya?

"What do you need?"malamig kong turan ngunit ngumisi lang siyang muli at naglahad ng kamay.

"Woah! Easy haha. My name is Mathew. Nice meeting you, lady."

Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon