SOPHIA
AGAD ko namang pinaalam kina Tj na mag cucutting class ako o baka napanagutan nga talaga ni asul na iexcuse daw ako. Tss. Sinabi ko na lang para di na nila ako hanapin.
At ngayon ay nandito ako kasama 'tong weirdo na 'to sa kotse niya. Kumunot naman agad ang noo ko ng makitang hindi pamilyar sakin ang dinaanan niya.
Alam niya ba kung saan ang address ko?
"Oy! Mali ka ng dinaanan."sabi ko sa kanya pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Kunot na kunot pa ang noo niya kaya napalunok naman ako. Okay, sabi ko nga tatahimik na eh.
Matapos ang mahabang paglalakbay ay nandito ako at nakangangang nakatayo sa harap ng isang malaking hotel. Wait! HOTEL? As in H-O-T-E-L? Okay, masyado kang oa Sophia.
Pero....bakit nandito kami?
Sinamaan ko naman ng tingin si asul pero inismiran niya lang ako at hinawakan sa braso at kinaladkad papasok. Binitawan niya din naman ako nang makapasok na kami sa elevator at pinindot niya ang floor 7. Sabi ko naman kasi kanina diba? Malaking hotel ang pinunta namin kaya expected talaga na lagpas floor 7 'to.
Teka nga? 'Diba sa hotel nag lilive-in 'yong mga magjowa? Napatabon naman ako sa aking bibig dahil sa naisip. Umiling naman agad ako.
Imposible! Hindi ko siya boyfriend okay?
Pero.....bakit sa mga movies na pinapanood ko, gumagawa sila ng kababalaghan dito? Omygod!
Sunod sunod ang naging paglunok ko lalo na nang bumukas ang elevator. Magpapaiwan na lang kaya ako dito? Hindi na din ako nakapag isip dahil hinila niya nanaman ako at huminto naman kami sa pintuan na kulay silver at may room number na 1736.
Tulala kong tiningnan ang pintuan pero hindi parin siya kumikilos. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin na din pala sa'kin.
"What?"nakataas kilay kong tanong at pilit na hindi pinapahalata ang panginginig. Peste!
Inginuso niya naman ang pinto niya kung saan may nakalagay sa kanang bahagi nito na lagayan ng password. Automatic naman akong napatalikod.
Ayan na! Papasok ba ako? Hayst! Praning na ata ako eh! Kung ano ano na lang pinag iisip ko.
Kinaladkad niya ulit ako papasok at pinaupo sa couch. Agad naman siyang nagtungo sa kitchen ata? Kaya iyon na din ang ginawa kong pagkakataon para ilibot ang paningin.
May sarili pala siyang condo? Teka? Condo ba talaga ng lalaki 'to?
Nakanganga kong nilibot ang paningin at di mapigilang di mapangiwi. Black and white ang wall niya pati na rin ang tiles. May apat siyang malalaking couch at isang upuan na maliit at may maliit ding wooden table. May 24 inches na flat screen TV at napatingin naman ako sa isang kwarto na nakaawang at nakita ko mula dito ang kulay pulang king sized bed.
Condo niya ba talaga 'to? Ang linis kasi eh...babaeng babae. Baka naman....ayst! Masamang manghinala.
At kung iniisip niyong hindi pa ako nakapunta sa hotel kaya ganito ako....ang totoo nyan.....tama kayo.
Kahit naman mayaman kami di talaga ako pumupunta ng mga hotel. Wala akong condo dahil ayokong mahiwalay kina mommy. Isa pa, ang pagkakaalam ko sa hotel ay dito daw ang ritwal ng paggawa ng bata!
Agad akong napa iling sa pinag iisip ko. Bwisit na asul na 'to! Mababaliw na ata ako dito!
Natigil naman ang paggala ko sa condo niya nang bumalik siya dito at seryosong inabot sakin ang dala niya. Agad akong napa iwas ng tingin dahil 'yon ang pinaka ayokong makita sa lahat. Ang FIRST AID KIT!
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy(Excavation Of The Past- COMPLETED)
Mystère / ThrillerPUBLISHED UNDER KRISOZTOMO TAGALOG STORIES GUY SERIES #1 Sophia Elizabeth Robinsons was just an ordinary girl who suffered from short-term memory loss. After transferring to their own school, she met mysterious people, encounter any weirdos, experie...