LDR WORKS.
"Goodmorning babe" basa ko sa message na agad bumungad sa inbox ko.
Napangiti ako dahil dito, galing ito sa aking nobyo. Mahigit dalawang taon na kaming magkasintahan at hanggang ngayon ay kami pa rin.
"Goodmorning," tipa ko sa aking cellphone tsaka pinindot ang send.
Kung ako ang tatanungin niyo kung posible bang magkagusto sa taong nakilala mo lang sa internet ay Oo ang sagot ko.
Pagbukas ko ng account ko, nagulat ako sa dami ng inbox at notification ko.
"Happy 25th Monthsary" basa ko sa mga mensahe sa inbox ko. Galing ito sa mga kaibigan namin ni Gio. Ang lokong 'yon, kinikilig ako.
May mga calligraphy pa akong nakita galing sa ibang sumusuporta sa relasyon namin. Tinawagan ko si Gio, hindi siya nabibigong pangitiin ako araw-araw.
"Hello"
"Happy 25th monthsary babe, nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sayo?" napangiti ako sa sinabi niya.
"Syempre, hindi mo naman kailangang guluhin pa ang mga kaibigan natin e. Pwede mo namang sabihin na lang ng diretso sakin, inistorbo mo pa sila." pabirong turan ko rito.
"Hindi ko naman sila pinilit e, nagprisinta pa nga sila na gawin 'yo. Lalo na si Sandra."
Si sandra ang bestfriend ko, mamaya ay papasalamatan ko siya tunay ko talaga siyang kaibigan.
"Sanaol"
"Ang sweet naman"
"Stay strong"
"Swerte naman ni ate"Basa ko sa ilang comment sa post ni Gio na may message at nakatag pa ako na agad kumalat sa facebook. Pero hindi maiiwasan ang mga negative comment na nababasa ko.
"Magbrebreak din kayo"
"Hindi rin kayo magtatagal, ipagpapalit ka din niyan sa malapit"Ilolog out kona sana ang facebook account ko ng mag pop up ang isang notification.
'Gio replied to a comment on your post'
Pinidot ko ito, nagreply siya sa comment na nagsabing maghihiwalay din kami.
"LDR works at papatunayan ko yan sa inyo" basa ko sa reply niya.
Maraming nagreact sa reply niya na 'yon habang ako ay nagpagulong gulong na kilig.
Seeing your man defend your relatioship is really ideal.
Hindi na ako makapaghintay na makita siya.
______
YEARS LATERKasalukuyan akong naghihintay sa kaniya.
"Mahal andito na ako" napangiti ako sa reply ni Gio.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at ng makita ko siya ay kinaway ko ito. Naglakad na siya patungo sa kinalalagyan ko. Nilingon ko ang katabi kong si Sandra.
Inabot ko sa kaniya ang cellphone. At sinabing andito na si Gio.
Nang makarating sa pwesto namin si Gio ay niyakap niya nang mahigpit si Sandra. Habang ako ay nakangiti lang sa kanila. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Matagal na kaming hiwalay ni Gio, pagkatapos niyang aminin sakin ang lahat.
Sinabi niya sa'kin na si Sandra talaga ang tunay na mahal niya pero ako ang niligawan niya para mapalapit siya kay Sandra. Aaminin kong nagalit ako dahil sa ginawa niya pero mas pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Sandra. At wala akong magagawa dito dahil mahal nila ang isa't isa.
'Im sorry' pabulong na bigkas ni Gio sakin ng magtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti ako dito at tumango 'Its okay, Im fine'
Pinatunayan ng lalaking minahal ko at ng matalik kong kaibigan that LDR works.