"HINDI AKO GUSTO NG TAONG GUSTO KO."
Sambit ng Kaibigan ko na ngayon ay nagkwewento sa harapan ko. Broken na naman, tanga tanga kasi nandito naman ako.
"Alam mo 'yon Riss? Ako 'yung nandito sa tabi niya tuwing nasasaktan siya.. tuwing may problema siya, ako 'yung napagsasabihan niya, ginawa ko lahat para damayan siya" kita ko ang sakit sa mga mata nito habang patuloy lang ang pag agos ng luha niya.
Ramdam ko ang sinasabi niya dahil tulad din niya ngayon ay 'yung taong gusto ko ay hindi rin ako gusto.
"Gano'n ba ako kahirap gustuhin?" tumingin ito sa'kin. Umiling ako dito.
Hindi ka mahirap gustuhin Felix.
"Iba na lang kasi 'yung gustuhin mo.." makahulugan kong sambit sa'kaniya.
Ako na lang.
"Pero siya lang 'yung gusto ko riss, ayoko ng iba." umiiling siya habang sinasambit ang mga katagang iyon.
Para naman akong sinaksak ng paulit-ulit dahil dito.
"Felix.." pag-agaw atensyon ko sakaniya. Aamin na ako kahit alam kong nasasaktan siya ngayon, at kahit alam kona ang magiging sagot niya.
'yon 'yung tamang gawin.
"Ramdam ko 'yung nararamdam mo ngayon kasi katulad mo 'yung taong gusto ko hindi rin ako gusto.. Hindi mo din ako gusto..." pahina ng pahinang sambit ko dito.
"Riss.." kunot-noong sambit nito sa pangalan ko, nagumpisa namang manubig ang mga mata ko.
"Okay lang felix.. Tanggap ko naman.. na si Sophia lang 'yung laman ng puso mo... A-ako lang naman 'tong tanga—ng umaasa na magugustuhan mo din a—ko.." sabi ko dito sa pagitan ng mga hikbi ko.
Hindi ko na inantay ang sagot niya dahil mas masasaktan lang ako lalo. Tumakbo ako papalayo sakaniya.
Sobrang sakit magkagusto sa taong hindi ka gusto.
Isang malakas na busina ang narinig ko bago pa ako mapatingin kung saan nagmumula 'yon ay naramdaman kona lang ang sakit.
Nakahiga na ako ngayon sa kalsada, nanlalabo ang paningin ko. Bago ko pa naipikit ang mga mata ko ay nakita ko si felix, paalam mahal ko sana sa susunod na buhay ay mahalin mo na din ako.