DEFINITION OF LOVE

38 2 0
                                    


1 Corinthians 13:4-8

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails."

“Mahal sorry na po. Gusto ko lang namang protektahan ka e, puro lalake kasama mo don tapos wala pa ako. Pano--” hinalikan ko siya ng mabilis sa labi dahilan upang mapahinto siya sa sasabihin niya.

“Sorry din kung nagtampo ako sayo. Alam ko naman na gusto mo lang akong pretektahan at naiintindihan ko 'yon. Hindi ko kaya na magtampo sayo buong araw, tsaka hindi naman kita matitiis e.”

LOVE IS PATIENT AND KIND
-
Palabas na sana ako ng pinto ng biglang lumabas sa kwarto si kenny.

“Saan ka pupunta?” takhang tanong ni kenny sa'kin.

“Sa tindahan po sa harap, bibili lang.” sabi ko dito. Napakunot naman ang noo nito.

“Magpalit ka ng damit mo.”

“Diyaan--”

“Kahit na, kung ayaw mong magpalit sasama ako sayo.”

Palagi niya akong pinoprotektahan. Lahat ng kilos ko napapansin niya at gano'n din ako sakaniya. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo hindi mo hahayaang may mangyaring masama sa kaniya.

LOVE ALWAYS PROTECTS
-
“Mahal?” pagtawag ko sakaniya na busy sa pagbabasa ng libro ngayon. Nasa library kami at magkasamang nagrereview para sa nalalapit naming Exam.

Sandali ako nitong tinapunan ng tingin.

“Sasabay sana ako bukas sa mga kaibigan ko maglunch. Sorry--” pinutol niya ang sasabihin ko.

“Okay sige, ingat kayo ah. Sasabay na lang akong maglunch kay Andrei.” sabi nito. Napakunot naman ang noo ko sa bilis nitong pagpayag sa gusto ko. Napansin naman niya ito kaya natawa na lang siya sa inasta ko.

“May tiwala ako sayo.”

LOVE ALWAYS TRUSTS
-
“Ang dami na nating pinagsamahan. Ang dami na nating sakripisyo ngayon pa ba ako susuko?”

“Mahal kahit anong mangyare hindi kita bibitawan. Mahal kita kaya ipaglalaban kita sa mga taong nakaharang para masira lang tayong dalawa.”

I smile, when i realize that i'm so lucky to have kenny in my life. At alam niyo kung anong mas nakakaproud? We've been together 10 years of being strong, pero yung pagmamahal ko sakaniya walang pinagbago.

LOVE ALWAYS PERSEVERES, LOVE NEVER FAILS.

Love is not simply a feeling or an emotion. It's not just words. Love isn't something you can just say; it's something that you need to do. Therefore, love is action.

Always Remember:
"Dear children, let us not love with words or speech but with actions and in truth." - 1 John 3:18

@lei.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon