THE STORY BEHIND MY TRAGGIC STORIES

29 2 0
                                    

"Grabe si author, mapanakit,"
"Aww, ang sad naman po."
"Ang sama naman, grabe naiiyak ako pero ang galing."

Ilan lang 'yan sa mga komento na nababasa ko sa t'wing mag uupdate ako ng panibagong storya. Masaya ako sa mga komentong inilalahad ng mga mambabasa ko.

'Wala bang happy ending sa'yo😭🥺.'

Naisip ko na din 'yan ang magsulat ng happy ending pero hindi umaayon sa'kin ang tadhana. Dahil sa t'wing nakakaisip ako ng masasayang wakas...

“Wala ka bang gagawing maganda?! Puro perwisyo na lang ang binibigay mo sa'min. Bakit 'di mo gayahin 'yung kuya mo!?" napapikit na lang ako ng biglang pumasok ang mama kong galit na galit. Napabuntong hininga na lang ako at pinigilang pumatak ang luha ko.

"Ma, sorry po, ano po bang ginawa ko" nakayukong tanong ko dito. Palagi na lang siyang ganito, palagi niya na lang akong kinukumpara. Hindi ko naman kayang gayahin si kuya, si kuya na palaging mga tama lang niya ang nakikita.

Napapikit naman ako ng bigla niyang hinagis sakin ang card ko. Kauuwi lang  kasi niya galing meeting. Ano bang ikinagagalit niya top 2 naman ako.

"Ayan! Sinayang mo lang ang pagpunta ko sa paaralan niyo. Top 2? 'yan lang ang nakuha mo!? Samantala ang kuya mo ay palaging top 1, ang bobo mo!!" napaiyak na lang ako ng tahimik dahil sa mga itinuran niya, pabagsak niyang isinara ang pintuan ng kwarto ko.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok, at hinayaang umiyak lang ng umiyak. Palagi na lang si kuya ang bida sa bahay.

Nang mahimasmasan ako sa nagyare ay kinuha ko ang papel at ballpen ko, at nagsimulang magsulat ng panibagong istorya. Dito ko na lang ibubuhos lahat ng galit ko.

"Lea!" napaligon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Andito ako sa labas ng bahay namin, andiyaan kasi silang lahat at ayaw nila akong makita. Kaya lumabas na lang ako para makalanghap ng sariwang hangin.

"Sama ka sa.." pinutol ni mark ang sinabi ni andrea.

"wag niyo ng ayain 'yan, wala naman tayong mapapala diyan. Remember 'di siya belong sa'tin," sambit ni mark, napayuko naman ako dahil dito. Kaibigan ko sila pero basura ang trato nila sa'kin.

Tinignan ko na lang silang umalis hanggang mawala sila sa paningin ko. Ang lungkot ng buhay ko, sa bahay si kuya ang bida. Sa kaibigan naman, basura ang tingin nila sa'kin. Saan pa ba ako lulugar?
-
Nakahiga ako dito sa kwarto ko, umuwi na din sila ate bumisita lang kasi sila dito para mabati si kuya. Minsan nga naiisip ko na paano kung ampon lang ako? Napailing ako sa naisip.

Tumayo ako sa kama ko at umupo sa study table ko, sobrang lungkot ng buhay ko. Nagsimula akong gumawa ulit ng panibagong istorya.

Mas pinipili ko na lang isulat ang sakit na nararamdaman ko kaysa banggitin sa kanila na nasasaktan na ako. Kasi alam ko naman na wala silang pakelam sa nararamdaman ko, sino ba naman ako sa kanila. Isa lang naman akong basura.

Sa pagsusulat ng storya ko na lang naiilalabas lahat ng hinanakit ko sa pamilya, kaibigan at kakilala. Napapangiti ako sa tuwing nasasaktan sila sa mga isinusulat ko, masama na kung masama. Dahil kahit paano alam nila ang nararamdaman ko.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon