JUDGEMENTAL SOCIETY.

20 2 0
                                    

JUDGEMENTAL SOCIETY.

"Lumayo ka nga sa'min Dianne, ang taba taba mo." kantyaw ng mga kaklase ko sa'kin sabay tawanan ng iba ko pang kaklase. Napayuko na lang ako at naupo sa upuan ko.

Mukhang ako na naman magisa ang gagawa ng 'groupings' dahil ayaw nila akong kagrupo.

Hayst

Kasalukuyan akong nasa canteen at nakikipagusap sa matalik kong kaibigan si Jessa. Maganda, Mabait, Matalino, Masipag, Sexy 'yan ang mga papuri nila sa kaibigan ko. Hindi ko naman sila masisi na maikumpara nila ako kay Jessa dahil ako ang palagi nitong kasama.

Ito lang kasi ako, Mataba at madami pang pimple at peklat sa katawan kumpara sa kaibigan ko na wala ka talagang maipipintas sa katawan niya. Nakakainggit.

"Oh ba't 'yan lang ang binili mo? Ang konti naman niyan." sambit ni jessa ng makitang kokonti lang ang binili kong pagkain.

"Diet ako HAHAHA." napailing naman siya sa itinuran ko. Naghanap kami ng mauupuan at ng makahanap kami ay agaran kaming umupo dito.

"Dianne, tigilan mo nga ako kakadiet mo. Tignan mo nga 'yung katawan mo oh, halos pumapayat kana." nagaalalang turan nito sa'kin, ngumiti ako dito at nagumpisa ng pagkain.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Mataba pa din ako.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin ng kwarto ko, kakatapos ko lang magehersisyo. Ang taba ko pa din, kailangan ko pang magbawas.


Jessa PoV

Kakatapos lang namin kumain ni Dianne, kataka-takang isang sandok ng kanin at isang piraso ng ulam ang kinain niya. Ano bang nangyayare sa babaeng 'to?

Kapansin-pansin na rin ang pagpayat niya, sobrang payat na niya.

Tatayo na sana ako para iligpit ang pinagkainin namin ng pigalan ako nito.

"Maupo ka na lang diyan at ako na ang magliligpit nito." tumango ako dito, at pinanood lang siyang pumunta ng kusina.

Sa paglilibot ko dito ay may isang bagay ang nahagip ng mata ko. Pamurga ito ah.

Agad akong pumunta sa CR ng makarinig ako ng parang may sumusuka.

"Shit, dianne!? Anong ginagawa mo!?" sambit ko kay dianne ng makita ko itong pinipilit sundutin ang lalamunan niya.

Andito ako sa ospital, kasama ko si Dianne. Pinilit ko itong sumama sa'kin upang magpacheck up, at para na din maiklaro ko sa isipan ko ang naiisip ko na posibleng ang kaibigan ko ay bulimic o anorexic o kaya'y pareho.

"Ms. Dianne Fiego is suffering from bulimia and anorexia. " halos mabingi ako sa narinig ko sa doctor, tama nga ang hinala ko.

Because of this Judgemental Society that cause of Dianne to have Bulimia Nervosa and Anorexia Nervosa which known as a fear of gaining weight.

Pinipilit niyang mabawasan ang timbang niya para hindi masabihan nang "mataba" ng mga taong nakapaligid sa kan'ya.

And yes, after 3 days that I confirmed that she have a Bulimia and Anorexia. Hindi ko na siya napilit na maibalik pa ang dati niyang katawan, she died. Wala akong nagawa para maiahon siya sa sakit niya, I'm such a useless friend.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon