Puno ng galak ang puso ko ngayong umaga, kaarawan ko kasi nadagdagan na naman ang edad ko.
Alas otso na, nagumpisa na akong kumilos. Balak kong yayain ang kasintahan kong mamasyal kami sa parke.
Nang matapos ko ang mga dapat kong gawin ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Naabutan ko naman doon ang aking ina na nagluluto ng sinigang. Ang paborito ko, siguro'y para sa'kin 'yon.
Dahan dahan akong lumapit doon sabay sambit ng mga katagang, "Ma, para sa'kin po ba 'yan?" nakangiting tanong ko dito, agad kumunot ang noo nito, nawala naman ang ngiti sa labi ko sa mga binitawan niyang salita.
"Ang kapal naman ng mukha mo, leah. Walang okasyon ngayon para lutuan kita, para 'to kay louis siya ang nagsabing lutuan ko siya... Hindi 'to para sa'yo." Ang huling katagang sinambit nito at iniwan ako sa kusina.
Ma, birthday ko po.
Hindi ko na lamang dinibdib ang sinabi sa'kin ni mama. At umalis na, pupuntahan ko si khyle para lumabas kami. Siya ang unang babati sa'kin kapag nagkataon.
Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ni khyle ay binuksan kona ito, alam ko naman ang passcode niya. Binigay niya ito sa'kin para kapag galit sa'kin si mama ay sakaniya, 'di ko na kailangang itext siya na naroon ako.
"Khyle..." masaya kong tawag sa pangalan niya, pagkabukas ko ng pintuan ay wala siya doon sa sofa. Siguro'y nasa kwarto ito, kaya dahan dahan akong umakyat sa hagdanan.
Ilang lakad na lang papunta sa kwarto niya, bukas ang pintuan nito. Habang papalapit ako ng papalapit, nagsimulang magbagsakan ang luha ko.
"K-khyle.." napahinto sila sa ginagawa nila ng maranig nila akong dalawa.
"Ma-mga hayop ka...yo.." Dali dali akong tunalikod at umalis sa harapan nila.
Nang may makita akong upuan ay umupo ako do'n, hinang hina ako. Nakita ko ang ate ko at ang boyfriend ko na nagtatalik sa mismong kaarawan.
"Pa-pano nila sakin nagawa 'to."napasabunot ako sa sarili kong buhok. "Mga Ba-baboy.." umiyak lang ako ng umiyak.
Tatlong oras akong nasa gano'ng posisyon, mag aalas dose na ng tanghali. Napagdisisyunan kong umuwi na lang, uuwi na lang ako tutal wala namang nakakaalala na kaarawan ko ngayon.
-
Alas nwebe na ng gabi at ni isang "Happy Birthday leah" ay wala man lang akong natanggap.Chinat ko na din si khyle na maghiwalay na kami, at alam niyo kung anong sinabi niya?
"Okay lang, mas mahal ko ang ate mo kaysa sayo"
Ang gago diba. Buong magdamag lang akong umiyak dito sa kwarto ko, isang buwan at kalahati sasayangin niya lang lahat 'yon.
Nagbukas ako ng facebook. Sobrang tahimik ng facebook account ko, binisita ko ang timeline ko at nagtungo sa post ko kagabi.
Leah Salvador·23h ago
HAPPY BIRTHDAY SELF!
Like·Comment·Share
Nagtipa ako ng ikokomento dito.
Leah Salvador
Happy Birthday Self.
Like·React·Reply
Just now.March 16, 2021, Eksaktong 11:55 pm, nagsuicide ako.
------
+. Fiction
+. For more stories, kindly visit Pierre Montefalco.
@lei.IT'S MY DAYYYY!!