KYLINE A. SANTOS
March 18, 2000 - March 18, 2016Tatlong linggo na din simula ng mamatay ang kapatid ko, inaamin kong nagsisisi ako sa ginawa namin ni ashton. Hindi ko agad naisip na masasaktan siya dahil don, kung maibabalik ko lang ang araw. Hindi ko na pipiliin pa sanang ituloy ang pagtrato sa kaniya ng gano'n.
"Kyline, patawarin mo sana si ate at si kuya" sambit ko sa harap ng puntod nito, 'di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.
"Kyline Santos, time of death 12:00 pm."
Napaupo na lang ako sa sahig ng ospital ng marinig ko ang mga katagang 'yon. Ang sakit, ang tanga tanga ko. Kasalanan ko kung bakit nawala siya, kasalanan ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang paulit ulit na sinasabi ang mga salitang 'kasalanan ko lahat'
Napapikit na lang ako ng maalala ko na naman iyon, agad nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
"Ate" rinig kong pagtawag sa'kin ni jessa. "wag kana po umiyak ate, magagalit po si ate kyline sa inyo kapag umiiyak po kayo"niyakap ako nito dahilan upang mas lalo lamang akong humagulgol na parang bata sa balikat niya. 'di ko mapigilan ang emosyon ko.
"Tama si jessa, ashlie. Tumahan kana diyan, wala na tayong magagawa nangyari na e di na natin mababalik ang buhay ni jessa." sambit ni ashton.
Pinunasan ko ang luha ko at muling humarap sa puntod ni kyline.
"Mahal ka namin kyline, sana mapatawad mo si ate. Balak ka sana naming isopresa sa birthday mo pero kami 'yung nasopresa mo" sambit ko habang nakangiti at may namumuo na namang luha sa mata ko.
"Sinadya naming tratuhin ka ng gano'n pero hindi namin inaasahan na 'yon pala ang magiging dahilan para mawala ka. Kyline pa-patawarin mo a-ako"