BIRTHDAY GIFT

140 4 2
                                    

" birthday gift "

Maya't maya ang sulyap ko sa aking telepono.Nagbabaka sakaling nag text ang aking nobyo.

May usapan kasi kaming magkikita para magdinner date.Ngunit magiisang oras na akong nagaantay dito sa loob ng Coffee Shop.

Napabuntong hininga ako ng makita sa screen ng aking cellphone ang oras.Mag aalas nwebe na.

Tumayo na ako sa aking upuan at kinuha ang gamit ko.'Mukhang hindi na s'ya darating.'

Lumabas na ako sa Coffee Shop.Napagdesisyunan kong maglakad na lang.I was deeply thinking kung Bakit hindi nanaman s'ya nakapunta.Ano nanaman kaya ang irarason nya.

"tsk.! Nakakainis.." inis na sambit ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa isang Parke.Naupo ako sa upuang nakita ko at pinagmasdan ang kalangitan.

Napangiti ako ng may maalala ako.Napapikit ako ng dumampi ang malamig na hangin sa'king balat.Kasabay ng pag tulo ng aking luha.

Nasa ganoong akong posisyon ng may marinig akong hiyawan ng mga tao.Idinilat ko ang aking mata para puntahan kung saan nangagaling ang Ingay na yun.

Nakita ko ang isang babae't lalake na magkayap,habang ang mga tao sa kanilang likuran ay may hawak na tarpaulin na may nakasulat na 'Will you be my Girlfriend.'

Napangiti ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang Boyfriend ko at Bestfriend kong magkayap.

'Mukhang alam kona kung bakit hindi s'ya nakapunta'

Pinunasan kona ang aking luha at linisan ang lugar na parang walang nakita.

Sa mismong Birthday ko at 3rd Anniversary namin ng sagutin ng Bestfriend ko ang Boyfriend ko.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon