Today is the 18th birthday of my sister. And as a promise to her she will dance my man- probably her last dance. That should be my father but he's happy to her new family.
Honestly, I don't want Kurt- my boyfriend to be the last dance of my sister.
Inayos kona ang sarili ko dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang party ng kapatid ko.
Mabilis lang tumakbo ang oras- alas otso na at kasalukuyan akong nakatitig sa kanilang dalawa.
Kitang kita ko kung paano sila magtawanan. Kitang kita ko mula sa upuan ko kung paano sila mag-usap na parang sila lang ang tao ngayon. Lahat ng mata sakanila nakatitig. Masaya ako, sobrang saya.
Pagkatapos ng 18th roses ay puwede ng kumain ang mga bisita pero hindi pa do'n magtatapos ang programa.
Pumunta ako sa unahan at ibinigay sa'kin ang mikropono at nagumpisa na akong mag salita. Sobrang ganda niya, puri ko sa babaeng nakaupo ngayon sa harapan ko.
"Happy 18th Birthday ate... Mahal na mahal kita, sana maging masaya ka ngayon. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Ibibigay ko lahat ng gusto mo, kaya ngayon sa harap ng maraming tao ngayong kaarawan mo... May ibibigay ako sa'yong espesyal na regalo." umaapaw ang kasiyahan sa mukha niya ng marinig niya ito sa'kin.
Wala silang idea sa ibibigay ko at disidido na akong gawin 'to. Kung ga'no kasaya ang mga mata niya, kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. Umaapaw ang sakit, pait at lungkot.
Tumingin ako kay Kurt, nag unahang pumatak ang mga luha ko ng makita ko itong nakatitig sa ate ko. Ako 'yung girlfriend niya pero bakit sa ate ko siya nakatitig at hindi sa'kin? Kahit sa huling sandali lang sana naman ay sulyapan niya ako.
"Kurt, pinapalaya na kita... M-malaya na kayong magmahalang dalawa." pinunasan ko ang luha ko bago ako tumingin kay ate na ngayon ay nakayuko,"A-ate, alagaan m-mo siya ah? Alam mo kung ga'no ko siya kama-hal" ito ang huling mga katagang sinambit ko bago ako pumunta sa kwarto ko.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa silid ko.
Matagal ko ng alam na may relasyon silang dalawa, simula ng ipakilala ko sakaniya si kurt alam kong may nagbago sa pagitan ng relasyon namin. Nalalaman ko din ang lihim nilang pagkikita tuwing may ginagawa ako. Alam ko lahat ng 'yon at sobrang sakit dahil sarili ko pa talagang kapatid.
Ginawa ko 'yon hindi para sakanila kundi para sa batang nasa sinapupunan ni ate, oo buntis siya. Sinabi sakin ni Kurt lahat, lahat lahat. Hiniling din niya na palayain kona siya dahil magkakaroon na sila ni ate ng pamilya. Hiniling din sakin ni ate 'yon na ibigay kona sa kaniya si Kurt, dahil malapit na din naman ang kaarawan niya.
Mas pinili kong maging masaya ang magiging anak nila ni ate kaysa sa magiging anak naming dalawa. Buntis din ako pero ano pang silbi kung hindi naman ako ang mahal ng ama ng batang nasa sinapupunan ko?
Sorry but it's too late, I have already commit suicide.