FAREWELL, MY LOVE.

29 1 0
                                    

FAREWELL, MY LOVE.

Nanginginig kong tinignan ang hawak ko ngayong pregnancy test. Natatakot ako na magdalawang guhit ito, bata pa ako. . . Marami pa akong pangarap.

Napahagulgol na lamang ako nang makita ko ang dalawang guhit dito. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Ano na lang sasabihin sa’kin ng magulang ko? Paano na ang mga pangarap ko? Paano na ako makakapagtapos nito?

Tumingin ako sa repleks’yon ko sa salamin, pinunasan ko na ang luha ko nang marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan.

“Mica, ano na? Anong resulta?” tanong ng boyfriend ko na naghihintay sa labas.

“S-sandali lang, palabas na.” sigaw ko rito.

Pagkalabas ko ng pintuan ay sinalubong ako ni Mark.

“Positive.”

“Buntis ka? Magiging tatay na ako?,” ramdam ko ang tuwa sa boses nito. Tatlong taon na kaming magkarelasyon.

Niyakap ako nito at humalik sa noo ko. Napabitaw siya sa pagyakap sa’kin ng marinig ang mga hikbi ko.

“Bakit? Mica, papanagutan kita.. kayo,” sinserong sabi nito.

“Hindi pa ako handa.. Marami pa akong pangarap mark,” nai-iwas ko ang tingin ko sakaniya.

“Pero mahal, and’yan na ’yan. Wala na tayong magaga–,”

“Meron.” madiing sabi ko dito, dahilan upan mapakunot ang noo nito. “I-ipapalaglag ko ang bata,” dagdag ko.

“Nahihibang kana ba mica!? Hindi ako papayag, walang kasalanan ang bata. Masuka ka naman sa iniisip mo, papanagutan ko naman kayo.”

———
Lumipas ang siyam na buwan ay matagumpay kong nailabas si Callie. Bagay sa kaniya ang pangalan niya, katulad din niya na sobrang ganda.

“Napakagandang bata..” puri ni doktora.

Maingat kaming dinala sa isang silid ng ospital upang makapagpahinga na. Pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko.

Napabaling ako sa pintuan ng makita ko itong bumukas. Andiyan na siya.

May inilagay itong ballpen at papel sa harapan ko. Tinignan ko naman ito at binasa, isang kasunduan.

“Oh, mica. Pirmahan mo na iyan, napag-usapan na natin ito ah. Nakasaad diyan na malinaw na malinaw na pumapayag ka.” tumango naman ako, at agarang pinirmahan ang papel. Kinuha niya ang papel, at maingat na nilagay sa envelope na hawak niya.

“Salamat sa napakagandang anghel na ito, ako na ang magbabayad ng bayarin mo sa ospital magpahinga kana diyan,” sabi nito at umalis na.

Tahimik akong umiyak sa kama ko, dahil na rin sa hapdi ng tahi ko at sakit ng puso ko.

Noong sinabi namin sa magulang ko na buntis ako ay pinalayas nila ako, kaya nagdesisyon na lamang si mark na mangupahan at magtrabaho para mabuhay kaming mag-ina niya.

Noong nasa limang buwa na ang tiyan ko ay iniwanan na lamang kami ni mark at sumama sa ibang babae. Sa kadahilanang hindi na niya kaming kayang buhayin pa.

“Kung magawa ko lang sana, na mabigyan ka ng magandang buhay sa kamay ko... Hindi sana mangyayari sa’yo ito,”

Kaya’t naghanap na lamang ako ng taong mag-aapon sa isisilang kong sanggol, at ng makahanap ako ay ipinatuloy nila ako sa bahay nila hagga’t sa mailabas ko ang bata.

“Paalam, munting anghel ko, mahal ko. Patawarin mo ang ’yong inang walang nagawa upang ibahin ang kapalaran mo.”

Farewell, my love. My little angel.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon