I am Lorraine, I have a girlfriend. We have been in a relationship for almost 1year and 5 months, still counting. . . going not strong. Her name is Alexa.
Kasalukuyan akong nasa parke at hinihintay siya, ito na 'yung pagkakataon ko para masabi ko sakaniya lahat ng gusto kong sabihin.
Maya maya rin ay natanaw ko na siyang papalapit sa kinaroroonan ko. Malayo pa lang siya, pero unti-unti na niyang binibiyak ang puso ko.
"Hi, my love. . ." yayakapin sana ako nito ngunit agad ko itong iniwasan. Napabuntong hininga naman siya dahil do'n.
"Ano pong paguusapan natin? May problema po ba?" nakatitig lamang ako sa kaniya- while my eyes starts to flow an unending tears.
"Ma-maghiwalay na tayo, A-alex h-hindi. . . ko na k-kaya.."sambit ko sa kaniya habang pahina nang pahina ang boses ko.
Nakatingin lang siya sa'kin habang nagbabadya ring tumulo ang luha niya.
"Pag-usapan naman po natin, 'wag naman po ganto, Lorraine. . . Mahal na mahal kita, alam mo 'yon." hinawakan niya ang kamay ko, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo na huwag ko siyang iwan. Paulit-ulit akong umiling. Hindi ko na kayang manatili, ako na lang naman ang lumalaban.
"Mahal mo ako pero ilang beses mo akong niloko. . . Mahal mo'ko pero hindi mo ako pinapahalagahan. Mahal mo'ko p-pero si-nasaktan mo'ko." nahihirapang sabi ko "Alex kung mahal mo ako hindi mo ako hahayaang mapagod, hindi mo'ko hahayang lumaban ng mag-isa, habang ikaw nasa-" I look down before I continue, 'cause I never want to see her eyes that is full of lies.
"Nasa ibang babae. . ." may diing sabi ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Putangina, Lorraine. Babae lang 'yan, iniiyakan mo pa. Putangina, babae nga lang siya pero mahal ko e. . .
" I gave you a lot of chances, pero sinayang mo lahat 'yon. I regret loving you, too much, Alex. Totoo nga 'yung sinabi nila, napakasakit mong mahalin." payak akong tumawa, habang naririnig ko ang pag-iyak niya. Bakit siya umiiyak? Inaantay niya na lang namang malaman at aminin ko ang katotohan sa kaniya, hindi ba?
" Akala ko kasi hindi ka katulad ng mga lalake kaya sumugal ako sayo, pero, tangina. . ." huminga ako nang malalim bago mag patuloy. "Nagkamali ako." tahimik lang 'tong umiiyak sa harapan ko habang nakayuko. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Bahagya akong napailing sa naisip.
"Kung ito 'yung pagmamahal na sinasabi mo. . . Ayaw ko na, Alex." sunod-sunod akong umiling, "Ayaw ko na... kasi, pu-putangina... Ang sakit, e."
Ilang beses ko siyang pinatawad kasi akala ko magbabago siya pero, hindi. Ilang beses niya akong sinaktan pero. . .ayos lang kasi mahal ko siya. Ilang beses, ilang beses akong lumaban para sa relasyon namin. Hindi ko siya sinukuan kasi akala ko magbabago siya, akala ko papahalagahan na niya ako pero, hindi. Sobrang sakit na, hindi ko na kaya.
"S-sorry.." rinig kong sambit nito sa pagitan ng mga hikbi niya.
"Sorry. . . Kasi magbabago ka na!? Kasi hindi na mauulit!?"
Palagi na lang siyang nag-so-sorry, pero hindi naman siya nagbabago, mas lalo niya lang akong sinasaktan, e. Ayaw ko na, tama na. Hanggang dito na lang ako, ubos na ubos na ako.
Inaamin kong napagod ako, napagod akong paulit-ulit siyang intindihin. Napagod akong ipaglaban siya. Napagod ako hindi sakaniya, kun'di dahil sa mga sakit na pinaparamdam niya. Ang sakit naman kasi niyang mahalin.
"Hindi mo na ba ako mahal?" halos mabingi ako sa sinabi niya. Tangina.
Mangha akong napatingin sa kaniya "Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong sambit ko. Marahang umiling ang babae, habang mahinang ibinubulong sa hangin ang salitang, 'patawad'
"Halos unahin kita kaysa sa sarili ko, pero. . . ikaw, Alex? Kailan mo ako inuna? Ilang beses mong sinasabing babawi ka, pero tangina kahit isang beses hindi ka bumawi sa akin."
"Kahit simpleng, 'kumusta ka, love?' wala e" bahagya akong napangiti. Gusto ko lang naman ng pagmamahal niya, bakit ang hirap hirap kunin.
"Alex. . . Ba-bakit mo ako niloko? Binigay ko naman lahat sa'yo, e." do'n niya tuluyang inangat ang ulo niya, tila nagulat sa sinabi ko. Oo, alam kong niloloko mo ako.
"Love. . . Hindi kita magagawang lokohin... Ikaw lang ang mahal ko-"
"Alam ko na lahat! Nakita ko sa cellphone mo. . . nabasa ko 'yung convo niyo. Nabuksan ko 'yung isa mong account, no'ng nag-log-in ka sa phone ko. . . Naiwan mong nakabukas e, pinakelaman ko, binasa ko lahat." I look at the sky. Nay, niloko ako ng unang taong minahal ko.
She try to reach my hand, but my eyes became blurry and I accidentally push her. I just found her, crying and begging in the ground.
"Love. . . please, huwag tayong maghiwalay. . . ple-please. . . hindi ko kaya nang wala ka, hindi ko kaya. . . Love, please. . . Magbabago na ako, hindi ko na gagawin ulit 'yon, promise. . . Love, hindi na, hindi na mauulit. I'm so-sorry. . . huwag mo akong iiwan, ikaw na lang meron ako, e. Ikaw lang 'yung natagal sa akin. . . Love, ple-"
"Tama na, Alex. . . hindi ka ba nahihiya sa sarili mo!? Ang lakas naman ng loob mo para hinggiin pa ang tawad ko! Mahal kita, Alex e! pero tangina naman. . . ginagago mo ako, e! Pagod na pagod na ako sa relasyon natin! Nakakasawang kumapit sa'yo habang tinataboy mo ako, kasi may kinakapitan ka pa palang iba! Putanginamo, kadiri ka, tatlo pala kaming naghahati-hati sa'yo!" buong lakas na sigaw ko dito.
Wala na akong pake kung masaktan ko siya ngayon, at pagtinginan kami ng mga dumadaang tao. I gave everything to her, kahit walang matira sa sarili ko.
Totoo pala 'yung sinasabi nilang walang laban 'yung pagmamahal kapag mas matimbang na 'yung sakit. Mas angat na 'yung sakit kaysa sa saya.
Having a girlfriend is so much aguishing, than having a boyfriend.
-----
+. This story is based on a true story.
P.S: Hindi ko nilalahat ng relasyon ng mga bisexual couple ang storya na. For those bisexual couple out there, stay inlove!