HINDI MO NAMAN TALAGA AKO GUSTO, GINUSTO MO LANG AKO KASI GUSTO KITA

51 3 0
                                    

HINDI MO NAMAN TALAGA AKO GUSTO, GINUSTO MO LANG AKO KASI GUSTO KITA

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pinto, napatingin ako dito. Si Axcel pala, boyfriend ko. Lumapit ito sa'kin at binigyan ako ng halik sa noo.

“Anong ginagawa mo?” tanong nito ng mapatingin siya sa screen ng laptop ko.

“Ginagawa ko 'yung presentation ko, bukas na kasi 'yon e.” sambit ko sa kaniya at ipinagpatuloy na sa aking ginagawa. “Ba't ka nga pala andito?” pahabol na tanong ko sa kaniya.

Umupo muna siya sa tabi ko bago magsalita.

“Gusto ko sanang lumabas tayo kaso may ginagawa ka pala,” ramdam ko ang lungkot sa boses nito. Nilingon ko naman siya at pinilit na ngumiti.

“Pasensya kana mahal, bukas na kasi 'to e... Hayaan mo sa sabado lalabas po tayo,” napangiti naman siya sa sinabi ko.

Dalawang taon na kaming magkarelasyon at boto naman ang magulang namin sa isa‘t isa. Sobrang swerte ko kay Axcel sa katunayan niyan ay hindi ko akalain na tatagal kami ng gan’to.

“Goodmorning mahal, break fast in bed,” nakangiting sambit ni Axcel, bumangon na ako sa higaan ko para kumain na. Ang sweet naman ng boyfriend ko. Agad kong natapos ang pagkaing inihanda niya sa'kin.

Naligo at nagbihis na ako, linggo ngayon at lalabas kami ni axcel. Nangako kasi ako sa kaniya na lalabas kami. Napatigil ako sa pagaayos ng tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Tinignan ko kung sino ito, si Axcel.

“Hello alex, sorry hindi muna matutuloy date natin ngayon. May nangyare kasi kay Kisha, kailangan ko siyang puntahan.” pagsasalita ni axcel sa kabilang linya.

“Ahm, okay lang. Balitaan mo ako kung okay na si Kisha ah,”

“Sige, sige..” rinig kong sabi nito, magsasalita pa sana ako ng bigla niyang patayin ang tawag.

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa ginawa niya. Isinawalang bahala ko na lang ito at nagpalit ng damit pambahay, matutulog na lang ako.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building ng next class ko ng makita ko ang dalawang taong pamilyar sa'kin. Dahil sa kuryusidad ay lumapit ako dito, na pinagsisihan kong gawin.

“Ano bang gusto mong gawin ko?” tanong nito sa kausap niya.

“Mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo sa'kin, 'yon lang naman 'yung gagawin mo diba.”

“Halos isang taon ko ng sinusubukang mahalin siya, pero ikaw talaga 'yung mahal ko. Hindi ko kayang makasama habang buhay 'yung taong hindi ko naman mahal.” mahinang sigaw nito sa kausap niya. Natatakot na baka may makarinig sakanila.

Kahit nasasaktan ay pinili ko pading makinig sa palitan nila ng mahihinang sigawan.

“Kung mahal mo ako gagawin mo 'yung sinabi ko.” ang huling binitawan niyang salita bago tuluyang umalis sa lugar.

Napailing ako ng muli kong maala ang skinaryo na 'yon. Naalala ko na naman ang nakita ko. Tumayo ako at inayos ang sarili, siguro panahon na para bitawan ko siya.

‘Park, 8:30pm’ tipa ko sa cellphone ko at sinend ito sa boyfriend ko.

Nagaantay ako ngayon kay Axcel dito sa parke. Dinadama ko ang hangin na tumatama sa balat ko ng may humalik sa pisnge ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Axcel na nakangiti sa tabi ko.

“Anong gagawin natin dito?” nakangiting anas nito sa'kin.

Agad din nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagaalala ng may tumulong luha sa'king mata.

“Bakit? May problema ba? May nangyare ba sayo? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo sa'kin,” sunod sunod na tanong nito sakin habang tinitignan kung may sugat ba ako o kung ano.

“Kaya kong pakawalan ka kung ayaw mona sa'kin...” sunod sunod na tumulo ang luha ko. Naguguluhang tumingin ito sa'kin.

“Mahal, ano bang sinasabi mo? Anong ayaw? Gusto kita, wala naman akong iba e,” nagtatakang tanong nito.

“Hindi mo naman talaga gusto... Ginusto mo lang ako kasi.. kasi gusto kita,” punong puno ng hinanakit na sambit ko dito.

“Alex...” pinutol ko ang sasabihin niya.

“Alam kona lahat, Axcel.. 'wag kana magpaliwanag kasi mas lalo mo lang akong masasaktan.” niyakap ako nito, pero agad din akong bumitaw.

“Matagal ko ng alam, nakita ko kayo ni Kisha na naguusap sa likod ng building. Narinig ko 'yung pagtatalo niyo. Axcel, ang sakit kasi kaya lang pala naging tayo dahil sa kagustuhan ni Kisha, hindi dahil gusto mo talaga ako.” tumayo na ako at tumalikod sa kaniya.

“Simula ngayon, we're officially done. I'm breaking up with you, Axcel. Kalimutan na natin ang isa't isa,” Agad kong nilisan ang lugar na 'yon.

The right man will love you more than you love him. Ganito talaga ang pag-ibig, kailangan mo munang paulit-ulit na masaktan bago ka matauhan na hindi talaga kayo ang nakatakda para sa isa't isa.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon