PAUBAYA.

31 1 0
                                    


Tumunog na ang bell at hudyat ito na uwian na. Tumayo na ako sa upuan ko at isa-isang inilagay ang gamit ko sa bag.

“Felix!” rinig kong tawag sa'kin ni Dave, kaibigan ko. Lumingon ako dito at bahagyang ngumiti. Isinukbit kona ang bag ko at naglakad sa direksyon niya.

“Ikaw lang?” tanong ko dito ng mapansing wala ang girlfriend ko, magkaklase kasi sila. Tumango naman ito sa'kin.

“Sige pre, tara na.” aya ko dito at nagsimulang maglakad.

Tuwing uwian ay naglalakad lang talaga kami, walking distance lang naman ang bahay namin sa school. At mas pipiliin ko ding maglakad na lang kaysa gumastos ng pamasahe kahit otso pesos lang ito ay malaking halaga na din 'to para sa'kin.

May kaya naman ang pamilya namin pero mas mabuti na ding maglakad na lamang dahil saktong baon lang naman ang ibinibigay sa'kin. Ibibili namin 'to ni Dave ng fishball.

“Kuya, limang pisong fishball nga po.” sambit ko sa tindero at inabot dito ang bayad ko.

Lumipat naman ako ng pwesto at kumuha ng plastic cup at stick para tumusok ng fishball, piso dalawa ito. Pero minsan ang mokong na si dave ay sobra ang kinukuha kapag busy sa ibang customer ang tindero. Hindi ko naman gawain 'yon.

Maglalagay na sana ako ng sawsawan dito ng may mahagip ang mata ko. Hindi baka namamalikmata lang ako. Tinignan ko ang dalawang tao na 'yon na papasok ng ministop na katapat lang kung saan ako nakatayo ngayon.

Si Bea, may kasamang lalake.

“Felix!.. Hoy” napabalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang tawag ng kaibigan ko sa'kin.

“Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag.” nagtatakhang tanong nito sa'kin habang ngumunguya pa ng fishball. Tumango naman ako bilang tugon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si bea.

“Asaan ka?”
“Nasa bahay ng kaklase ko, may report kaming gagawin.”

Hinayaan ko na lang ito, nasa bahay daw. Hindi ko akalain na magsisinungaling siya sa'kin, sino kaya yung lalakeng kasama niya?

Nasundan pa 'yon ng ilang araw at palagi ko silang nakikita sa ministop. Minsan na lang din siya kung sumabay sa'min ni dave, at patuloy lang din ang pagsisinungaling niya sa tuwing tatanungin ko siya.

“Felix, magkita tayo. Likod ng Building, 7 pm.”

Basa ko sa text ni bea sa'kin, bago ako maglakad papunta sa likod ng building ng paaralan. Malayo pa lang ay tanaw ko na siyang nakaupo sa bench. Bumuntong hininga muna ako bago pumunta sa direksyon niya at umupo sa tabi nito.

“Maghiwalay na tayo—” agad kong pinutol ang sasabihin niya.

“Siya ba?” gulat itong tumingin sa'kin.

“A-alam mo?” tumango ako dito habang pinipigilang pumatak ang mga luha ko. Nakakabakla man pero minahal ko si bea ng higit pa sa sarili ko.

“Bakit? Bea, kailan pa?” napayuko naman siya at nagumpisang humikbi. May pumatak na luha mula sa mata ko at agad ko din 'tong pinunasan. Ayokong makita niya akong umiiyak, at ayaw ko ding umiiyak siya ngayon sa harapan ko.

Limang taon kaming magkarelasyon.

“T-tatlong buwan na. Felix, hindi mo kasi ako maiintindihan e. Pinilit ko namang 'wag hanapin sa iba 'yung mga pagkukulang mo, pero hindi ko kaya. Kailangan din kita alam mo naman 'yon diba.”

“Nawalan lang ako ng oras sayo, isang buwan lang naman 'yon bea. May pagkukulang ka din naman pero niminsan hindi ko naman hinanap 'yon sa iba.”

“Buntis ako. Magkakapamilya na kami ni Drix.” para akong nabingi sa nadinig ko sakaniya.

“Si drix? Papanagutan ka ba niyan?” nag alalang tanong ko dito. 

Drix is her ex-boyfriend, he's a playboy. At isa si bea sa mga napaglaruan niyang babae pero alam kong mahal pa siya ni bea at wala akong laban do'n.

“Oo, sinabi niya sa'kin na papakasalan niya ako. Mahal ko si Drix.” kita ko sa mga mata niya ang saya ng sambitin niya ang mga katagang 'yon.

“Sige, magiingat ka mahal na mahal kita bea. Sa limang taon nating magkarelasyon, totoong pagmamahal 'yung pinaramdam ko sa'yo. Susuportahan kita kung saan ka masaya, ipapaubaya kita sakaniya. Tandaan mo na parati lang akong nandito para sa'yo.” tumayo na ako at nagumpisang maglakad.

Masakit bitawan 'yung babaeng minahal ko ng sobra, masakit pero para sa kaligayahan niya kaya kong tiisin 'yung sakit na 'yon.

Totoo ngang mahirap labanan ang tadhana at ang tangi mo na lang magagawa ay ang ipaubaya ito sa taong nakatakda para sakaniya.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon