MAHAL KA LANG NILA KAPAG PATAY KANA

391 3 0
                                    

"MAHAL KA LANG NILA KAPAG PATAY KANA"

basa ko sa isang post na napadaan sa newsfeed ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko at nagscoscroll sa nf ko ng mapadaan ang post na 'yon. Nabitawan ko ang cellphone ko at sandaling napatitig sa kisame ng aking kwarto.

Iniisip ko kung sakaling bang mamatay na ako ay mamahalin din kaya nila ako?

"KYLINE!!MAGSAING KANA HILATA KA NANG HILATA DIYAN!!!" rinig kong sigaw ng ate ko sa baba.

Inis akong napabangon, kakawalis ko lang kanina ay may bago na namang utos sa'kin. Padabog kong sinarado ang pintuan, ako na lang palagi ang inuutusan. Andiyaan naman si Jessa sa baba at puro lang cellphone ang ina-atupag, palibhasa paborito rito sa bahay.

"Jessa" nakangiting tawag ni kuya sa bunso naming kapatid.

Kababa ko lang ito na agad bubungad sa'kin. Paano ba naman kasi, binilhan na naman siya ng bagong damit at laruan.

"Tignan mo ito oh" inilabas ito ni kuya sa lalagyanan at ipinakita kay Jessa, agad nagliwanag ang kaniyang mga mata dahil dito.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko dahil naiirita akong makita ang eksena na 'yon. Hindi na nila ako naalala rito, kapatid din naman nila ako. Inaamin kong nagseselos ako sa trato nila ate Ashlie at kuya Ashton kay Jessa. Gusto ko ring maramdam ang pagmamahal nila pero mukhang nakikisali na lang ako rito.

Agad pumasok sa isipan ko ang nakita kong post noong isang araw. Kung 'yon lang ang paraan para maramdaman ko ang pagmamahal nila ay gagawin ko 'yon. Agad akong napailing sa aking naisip.

"Jessa, kumain ka ng madami para tumaba ka" sambit ni ate habang nilalagyan ang plato nito ng kanin at ulam.

Padabog akong tumayo na agad nakakuha ng pansin sa kanilang lahat. Pumunta ako ng kusina at padabog ding inilagay doon ang aking pinagkainin. Nakakainis na. Ramdam ko ang prisenya ng aking kuya na wari ko'y sumunod sa'kin.

"ANO BA, KYLINE! WAG KA NGANG MAG-INARTE!" pasigaw na sambit nito, napapikit na lang ako, masisira ata ear drums ko rito ah.

Humarap ako sakaniya ng nakakunot ang noo, nawawalan na ako ng respeto sa kanila.

"HINDI AKO NAG-IINARTE KUYA!" inis na sigaw ko dito dahilan upang masampal ako ng ate ko. Hindi ko naramdaman ang presinsya niya dahil na rin siguro sa nararamadaman kong galit ngayon. Nagdidilim ang paligid ko sa ginagawa nila sa akin, hindi ko na ito kaya.

"AH, HINDI NAGIINARTE!? KUNG GANO'N NAGDADABOG KA!? BAKA GUSTO MONG PALAYASIN KITA RITO!!" galit na sigaw ni ate sakin. Natawa naman ako sa sinabi niya, joker pala 'to ngayon ko lang nalaman.

"EDI PALAYASIN MO! TUTAL NAMAN SI JESSA LANG ANG NAKIKITA NIYO SA BAHAY NA 'TO DIBA!? MUKHA NA AKONG MULTO DITO OH." turo ko sa sarili ko "BUTI NGA NAPANSIN NIYO PA AKO!" 'di ko inaasahang tutulo ang luha ko. Ilang minuto silang parehong natahimik, kasabay no'n ang sunod-sunod kong mga hikbi na ilang araw— buwan kong dinadala.

"Ate.. Kuya" umiiyak na tawag ko sakanila. "Bakit kayo ganiyan sakin? Kung buhay pa sila mama't p-papa, pagsasabihan nila kayo dahil sa pakikitungo niyo sakin." sunod sunod na tumulo ang luha ko. "Gusto ko lang naman maramdaman na mahal niyo ako e, ginagawa ko lahat ng inuutos niyo kasi baka sakali na isang araw makita niyo rin ako dito sa bahay. HINDI NIYO NAMAN AKO YAYA RITO! KADUGO NIYO RIN AKO!"

Iniwan ko sila sa baba at umakyat sa kwarto ko. Nagkulong ako doon kahit na paulit-ulit na kinakatok nila kuya ashton at ate ashlie ang pintuan ko. Nagbingi-bingihan ako sa mga katok nila at buong magdamag lamang akong umiiyak sa aking kwarto habang nasa ilalim ng aking kumot.

Kasalukuyang walang tao sa baba, mukhang umalis silang tatlo. Mas maigi 'yon. Pumunta ako ng cr upang maligo, hinahanap ko ang shampoo ngunit ang nahagip ng mata ko ay zonrox. Bigla ko na lang itong kinuha at binuksan.

Isinalin ko pa ito sa baso, para maging inumin. Nawawala na ako sa katinuan.  Wala pa sa kalahati ang naiinom ko ng biglang may kumuha nito sa kamay ko, si kuya ashton. Natumba ako bigla, nasalo naman ako ni kuya ashton. Pinagmasdan ko sila.

"KY-KYLINEEEE!!"
"ashto...Kyline?" pumunta sa tabi ko si ate ashlie na mukhang balisa dahil sa nadatnan niya, sa wakas ay nakita ko na din ang pag-aalala sa mata nila.

"KYLINE, ANONG GINAWA MO!? DADALHIN KITA SA OSPITAL" Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni kuya ashton sa pisngi ko.

'Maraming salamat kuya Ashton at ate Ashlie, matatahimik na ako sapagkat nakita ko na rin ang pag-alala sa mukha niyo na matagal ko ng gustong makita. Sana ay matagal ko na itong ginawa'

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon