ATE
Napalingon ako kay Irish ng tawagin niya ako. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi nito. Kasalukuyan siyang nag sasagot ng module niya.
Pitong taong gulang palang si irish pero masasabi kong malayo na ang mararating niya. Matalinong bata si irish na sa tingin ko ay namana niya sa'kin.
Magsasalita na sana ito ng marinig namin ang sigawan ni papa at mama habang papasok sa aming tahanan. Agad na binuhat ko si irish at inakyat sa kwarto namin.
“Ano ba Romel, wala ka ba talagang hiya! Kung kailan ka naging matanda tsaka ka nambabae!” rinig kong sigaw ni mama kay papa habang paakyat ako sa hagdan.
“Gagawin ko lahat ng gusto ko Myra. Kung 'di mo kayang pagbigyan ako sa mga gusto ko maghiwalay na tayo!” balik na sigaw ni papa kay mama.
Kinuha ko ang headset at sinalpak ito sa cellphone ko, nilakasan ko ang volume nito at inilagay sa tenga ni irish. Sa tingin ko ay nahuli na naman ni mama si papa na nambabae.
“Ano!? Hihiwalayan mo'ko para makapangbabae ka!? Ang kapal din naman ng mukha mo romel. Dalawa na 'yung anak mo.”
Malinaw kong naririnig ang palitan nila ng sigawan dahil nasa kabilang kwarto na sila, aalis talaga si papa. Iiwan niya talaga kami para makapangbabae siya.
“Ano ba romel, 'wag mo naman kaming iwan ng gan'to ng mga anak mo. Alam mong ikaw lang ang inaasahan namin ngayon dahil nagsara ang pabrika na pinagtratrabahuhan ko.” ramdam ko sa boses ni mama ang pagmamakaawa nito.
“Bahala kayo sa buhay niyo, aalis nako dito. Mamatay kayo sa gutom!” rinig kong sigaw ni papa habang pababa ito ng hagdanan.
“Romel!!!” tinignan ko si irish na mahimbing ng natutulog. Lumabas ako ng kwarto, nakita ko si mama na nakaupo sa sahig habang umiiyak. At wala na si papa doon.
Lumapit ako kay mama at niyakap siya.
“Hayaan niyo na po si papa ma... Maghahanap po ako ng trabaho para may makain po tayo.” nagaalalang sabi ko sa aking ina.
Isang buwan na rin ang nakakalipas, mabilis lang din akong nakahanap ng trabaho. Pauwi na ako galing lamang sa trabaho.
Tanaw na tanaw ko na ang aking kapatid na si irish kahit nasa kalsada pa lang ako. Naglalaro siya kasama ng ibang bata.
Batid kong inaantay din niya akong makauwi dahil nangako ako dito na ibibili ko siya ng ice cream. Tumawid muna ako sa kabilang kalye upang bumili ng ice cream para sa kaniya.
Binayaran ko ito sa tindera at umalis na din. Isang tawid pa bago ako makapunta sa bahay namin, nasa bukana lang naman ito.
“Ate!!” dinig ko ang masayang sigaw nito ng makita niya akong tumatawid sa kalye. Patakbo itong pumunta sa direksiyon ko. Sakto sa pagtakbo niya ng mabilis ang paglipat ng pulang ilaw sa berde.
“Irish!!!” Napasigaw ako ng biglang sumalpok ang katawan ng kapatid ko sa isang sasakyan.
“I-irish...” isang minuto akong natulala dahil sa nangyare, nakita ko na lang sa harapan ko ang kumpulan ng tao. Mabilis akong lumapit doon. Nang makadating ako sa unahan ay nakita ko ang katawan ng kapatid ko na naliligo sa sarili niyang dugo.
Lumapit ako dito at niyakap ito, wala na akong pakelam kahit mapuno pa ako ng dugo.
“I-irish, a-anak.” nanlalabo ang paningin ko habang hinahawakan ang mukha nito.
“A-anak, 'wag mong i-iwan si m-mama,” 'di ko na napigilan ang sarili ko ng sunod sunod na pumatak ang luha ko.
Matagal naming itinago sa lahat na anak ko si irish, para hindi ako maging sentro ng usapan. Ipinalabas ni mama na kapatid ko ito, pero hindi. Anak ko siya, nirape ako ng sarili kong ama at si irish ang bunga no'n. At ngayon wala na siya, wala na ang sarili kong anak.
“i-i lo-love you ma....ma.” ang huling narinig kong bigkas ni irish at unti-unti na niyang ipinikit ang kaniyang mata.