Kasalukuyan akong andito sa bilangguan nahatulan akong murder.
Pinatay ko ang buong pamilya ko at wala akong pinagsisihan do'n.
"Ms. Real may bisita ka," banggit ng pulis na nagbukas ng selda ko. Walang gana ko lang itong tinignan.
Sino namang dadalaw sa'kin e pinatay ko na ang buong pamilya ko?
Pinosasan muna ako nito bago ako pinasunod sa pulis na kaharap ko, sa tingin ko ay papunta kami sa isang silid mukhang do'n nagaantay sakin ang 'bisita' kuno ko.
Hindi nga ako nagkamali ng huminto kami sa isang silid.
"Att. Malior, andito na po si Ms. Real," banggit ng pulis na nasa harapan ko tsaka binuksan nito ang pintuan.
Kita ko sa harapan ko ang isang lalakeng nakaaunipormeng pang abogado. Siya ata ang abogado ko.
Sinenyasahan niya akong umupo sa kaharap nitong upuan na siya din namang ginawa ko.
May kung ano naman siyang hinanap na dokumento sa mga papel na nasa harap niya. Nang makita niya ito ay tumikhim muna siya bago magsalita.
"Impressive, pinatay mo ang nanay, tatay at kuya mo?" hindi makapaniwalang sambit nito sakin, Bakit ngayon lang ba siya nakahawak ng kaso ng katulad ng sa'kin, tsaka pake ko din naman kung hindi na ako makakalaya.
"Oo, may problema ka ba do'n? Kung wala kang magandang sasabihin babalik na ako sa selda ko hindi ko kailangan ng abogadong huhusgahan ako agad." tatayo na sana ako ng magsalita ito ulit.
"Go on, gusto kong sabihin mo sa'kin ang tunay na dahilan mo para patayin sila. Wala kang dapat ipangamba ako ang abogado mo mapagkakatiwalaan mo ako."
"Att. hindi naman mahalaga sakin kung hindi na ako makakalaya ang importante ay naiganti ko ang sarili ko." tahimik lang itong nakikinig sa'kin habang ang mga luha ko'y nagbabandya ng tumulo.
"Kaya ko lang naman 'yon nagawa kasi pinagsasamantalahan ako ni Papa t'wing wala si mama at kuya kasi pareho silang nasa trabaho. Hindi ko na kasi kinaya ang mga ginagawa nilang kahayupan sa'kin... Pinagsasamantalahan din ako ni kuya tuwing matutulog na kami, may kaniya kanya kasi kaming kwarto kaya hindi alam 'yon nila mama at papa na ginagawa sakin ni kuya tuwing gabi... Hindi ko rin magawang makapagsumbong dahil tinatakot nila akong pareho... At 'yung kay mama naman? Palagi niya kasi akong kinukumpara at pinagsasalitaan ng masasakit na salita... Hanggat sa hindi kona kinaya kaya pinatay kona sila."
At masaya ako sa ginawa kong 'yon. Biktima lang ako ng rape at masasakit na salita na gawa ng sarili kong pamilya kaya nagawa ko silang patayin.
Na kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan.