-- Katsumi's POV --
"Today, we'll be enhancing all of your senses. Kahit hindi niyo iyon sixth sense, ie-enhance natin ang paggamit nito. Magagamit niyo ito sa pakikipaglaban." Panimula ni Sei-san. "Ide-demo ko ang gagawin niyo. Katsumi,"
Lumapit ako sa kanya, "Po?"
"Pindutin mo itong green button 'pag nagsignal ako." Sabi niya sabay turo sa green button.
"Ok po."
Pumasok siya sa Dimension room at sumenyas na pindutin ko na 'yung button. Pinindot ko iyon. Pagtingin ko sa monitor, sobrang dilim.
"Luh? Wala ako makita." Sabi ni Momo.
"Nasira yata 'yung monitor." - Erena
Tiningnan ko si Sei-san sa glass wall. Naka-steady lang siya doon. Lumapit ako sa mic at nagsalita, "Sei-san, wala pong makita sa monitor."
"Yeah I know. I'm on a dark room right now. Wala rin akong makita." Nagsasalita siyang steady lang. "Pindutin mo 'yung button sa pangatlo sa dulo." Ginawa ko naman iyon. Pagtingin ko sa monitor ay nagulat ako.
"Ay shoot!" Nasabi ko dahil sa gulat.
May mga lalaking nakapaligid kay Sei-san. Naka-night vision 'yung hitsura sa monitor. Kanina pa siya napapaligiran?
Nakita kong pumikit si Sei-san at niyukom ang palad niya. Nagfighting position siya. "Watch and learn." Sabi niya.
Sumugod 'yung lalaki sa likod niya pero maagapan niya iyon sa mabilis na pagsipa sa likod niya. Hindi niya man lang iyon tiningnan.
"Whoa!" Reaksyon nilang lahat.
I think alam ko na ang gusto niyang iparating.
"Ang galing niya." Sabi ni Kuro
"Hindi ka kasi magaling." Sagot naman ni Momo.
"Hoy manood kayo!" Pagsita ni Hirolee.
Umatake ang mga lalaki sa magkabilang gilid niya at sabay na sumuntok. Walang kahirap hirap na nagdodge si Sei-san. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay nagkasuntukan 'yung dalawa.
"Pffft." - Miyumi
"Hala ang epic! Hahahaha!" - Chibi
Natawa din naman ako sa nangyari dun sa dalawa. Nagkasalubungan ang mga suntok. Hahaha.
Dahil napalakas ang suntok nung dalawa eh natumba sila. Umatake ang isa mula sa harap at in-upper cut si Sei-san. Sinapo niya 'yung upper cut at pumunta siya sa likod ng lalaki at pinulupot niya 'yung braso ng lalaki sa leeg nito. May sumugod na lalaki sa kaliwa niya at inunahan niya na iyon ng sipa. Bumangon 'yung isang lalaki na nakasuntukan ang kakampi kanina at inambangan ng left hook si Sei-san. Hinagis ni Sei-san 'yung hawak niyang lalaki na nakapulupot ang braso sa leeg doon sa bumangon na lalaki. Natumba naman sila. May isa pang bumangon na lalaki mula sa likod niya at pinulupot niya 'yung braso niya sa leeg ni Sei-san. Matapos ang dalawang segundo ng ganun nilang posisyon ay nagawa niyang sipain patalikod ang lalaki sa tuhod kaya naman namilipit sa sakit 'yung lalaki. Sinapak iyon ni Sei-san at tumama ito sa pader saka bumagsak. May bumangon pa uling dalawa. Nag-hand stand si Sei-san at tumalon siya gamit ang mga kamay at braso at sinipa ang dalawang magkatabing lalake mula sa ere. Lahat ng lalaki ngayon ay tumumba na.
Namangha ako sa mga simpleng galaw at aksyon ni Sei-san. Para kasing pinapakita niya na sisiw lang ang pakikipaglaban sa kanila at hindi kailangang magpakita masyado ng stunts. Pero ang nakakamangha pa nun, lumaban siya sa sobrang dilim na kwarto, at nakapikit lang buong oras na lumaban siya.
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...