-- Erena's POV --
Dimension room is hart hart talaga! ♥♥ Lol medyo conyo! XD
Ay nakow! Nag-eenjoy lang naman akong panoorin sina Akihiro sa loob na kinakagat-kagat ng mga little piranhas. Wahahaha! Enjoy~
Enjoy ako ngayon. Mamaya hindi na. Knowing Sei-san?? Nakuuuu! Expect the unexpected! Mamaya pink na higanteng kalapating may apat na paa ang ipanglaban niyan sa'min eh! Huehue.
Ang tagal matapos ng laban nina Akihiro. Nagpapalipat-lipat sila ng pwesto. Nagtutulungan silang makaiwas sa mga isda. Si Riikan mukhang napagod na kaya kinontrol na lang ang mga piranha!
"Bawal 'yan Riikan! Magmano-mano kayo! Mags-squat ka mamaya sa grounds for one hour!" Sabi ni Sei-san sa mic.
Uh oh. Mukhang maghihigpit na talaga sila. K. Go with the flow na lang.
Si Kensumi, easy easy lang. Aba kaka-13 lang pero enhanced na agad ah. Anong klaseng training meron sa Nentou Class?
Si Riikan, ayan. No choice kundi pagsusuntukin o iwasan 'yung mga isda. May tumalong isda mula sa harap niya at may sumabay pa sa kanan at kaliwa. Sinipa niya 'yung nasa harap habang pa-sideward niyang sinuntok 'yung nasa kanan at kaliwa. May tumalon papunta sa binti niya pero nakaiwas lang siya at agad na nagsitalunan ang apat na isda sa kaliwa niya. Ang bilis nilang kumilos! Kaliwa't kanan!
Pero etong si Anzu. Maganda ang technique. Naka-straight lang sa isang direksyon ang paningin niya habang sinasangga gamit ang kamay ang mga isda. Parang pinapakiramdaman niya lang ang mga papalapit sa kanyang isda. Ayos diskarte nito ah. Tatlo-tatlo ang suno-sunod na sumusugod pero sinasabayan lang niya ang liksi ng mga isda kaya mabilis siyang nakakaiwas at nakakapatay ng isda. Magalingggg!!! *claps*
Si Akihiro... balik tayo kay Kensumi. Lol joke. Mahal namin 'yang si Aki kaya niloloko loko namin. Aware naman siya doon. Ganyan kami magmahalan sa Osusume, nagsasakitan, asaran, balian ng buto, at whatsoever. Kaya sina Kuro at Momo, may chance. Kahit malaki age gap nila. XD pero sorry sila dahil hindi teenfic ang story na ito. :P
Natapos na sila dahil super exhausted na sila. Wala palang exact number ang mga isda doon. Pinatagal na sadya ni Sei-san. Sinusubukan kung hanggang saan ang kaya nila. Pinagod niya lang sila. At ayan. Umabot sila ng higit thirty minutes sa pakikipagiwasan at kagatan este uhhh... sapakan? Yeah, sapakan sa mga piranha. Lol.
"Kalooooookaaaaaaa!!!" Sabi ni Riikan sabay napaluhod dahil sa pagod.
"Buset! Sakit sa katawan!" Sabi ni Aki habang nag-iinat.
"Kulang pa nga 'yon eh. Bukas na lang. Hahaha!" - Sei-san
JUICE KO! Maghahanda na talaga ako bukas! Nafi-feel kong intense to the maximum level ang trainings sa next days! >_<
"Next! Erena, Zumi, Azami at Hirolee."
Wut?? Huehue! T^T
Pumasok na ako sa Dimension room. Ay nakow. Creepy!
"Get ready, kids..."
At boom! Nasa dessert na kami.
Sooo... ano makakalaban namin?
"RRROOOAAAARRRRR!!!"
Lion!? Tiger!? Bear!? Snake!?
Lol wat? Snake?? Nag-roar?
Tiningnan ko 'yung nag-roar by Katy Perry.
O___O!!!
Ang imba talaga ng utak ni Sei-san! T_T
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...