Chapter 41

895 48 12
                                    

-- Katsumi's POV --

Magaling. All in all, bente dos na ang patay na Custodian. Malaking bagay na iyon sa amin (negative way). Pusit! Pusit! Translation: bwisit

And now we're training hard. Soooo hard!!

"AYOKO NAAAA!!" Literal na umiiyak na talaga si Rikonee. Oo, buong Osusume, nasa loob ng Dimension room. Kasama si Yu-san. Si Keijie-san at Sei-san ay nasa labas at mino-monitor din kami ni Ru-san. Ka-pressure 'di ba? Hmmp.

"Kapag may Shinigami, magagawa mong isigaw 'yan!?" And I swear, nakakatakot si Yu-san ngayon! Hindi ko alam kung bakit ganyan siya ngayon. It's either na-pe-pressure siya sa pagdami ng namamatay or nape-pressure siya dahil nanonood ang terror kambs niya.

Ano ginagawa sa Section 2 Level 2 Osusume? Pinapabuhat ng malaking bato. Sisiw na sa akin 'yan at keribels na ng mga kaklase ko. Sa Section 2, sina Naki at Aya pa lang ang nakakabuhat.

"Kayo naman, Katsumi, pumunta kayo sa medyo malayo sa kanila at magtraining kayo. 10 vs. 9 battle." Waaah! Astig! Salamat Ru-san! Gusto ko 'yaaaan! Bet! ^-^

"Tara na doon!" Sabi ko sabay jog sa medyo malayo sa Section2 at Level 1 Osusume. Ang lawak talaga ng Dimension room. Nasa gubat kami pero medyo layo-layo at mabababa ang mga puno.

"GAME!" Sabi ng excited na si Aki.

"Kampihan! Itim-puti!" Sabi ni Anzu at naglahad ng kamay sa harap niya.

"Ano 'yun??" Tanong ni Azami. Wala palang alam 'to dahil simula pa nang gawin ni Ryohei ang amazing robot na 'to ay hindi na siya nakaranas mabuhay sa labas.

"Lahat ng nakataob ang kamay, magkakakampi. At lahat naman nang nakalahad ang palad, magkakakampi din. Bale ganito. Anzu ipakita natin!" Sabi ni Onizuka sabay lapit kay Anz.

Nilaro nila ang itim-puti o kampihan. Alam ko pa 'yan dahil nakapaglaro naman ako sa labas 'no. Err..

"Osige! Game!" Sabi ni Riaamu at naglahad na ng kamay sa harap.

"Swerte...sampo!" Sabi ni Anzu at Onizuka at sabay sabay kaming naglahad ng kamay. Itim binigay ko. Swerte sampo ang laro kasi 19 lang kami ngayon.

"Isa pa. Hindi pantay." Sabi ni Anzu kaya naglaro pa kami ng isa.

Sa dami namin, baka abutin pa kami ng bukas!!

Matapos ang ilang subok ay nakapag kampihan na kami. Puti ako. Kasama ko sina Kenidaro, Kensumi, Manami, Miyako, Riaamu, Hirolee, Riikan at Onizuka. The rest na sampo na sina Chibi, Erena, Miyumi, Momo, Akihiro, Kuro, Anzu, Azami, Yunara, at Ayako, itim.

"Oh game! Bwahahaha!"

Nagsama sama kaming magkakagrupo at nagtago sa mga matatabang puno. Medyo natatawa ako kasi nag-eenjoy ako. Tsaka para kaming magma-Masapano dito.. Lels.

"Ayako! Kuryentihin mo na lang sila para mabilis matapos!" Sabi ni Chibi sa kanya. Aba loko!

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tiningnan si Ayako. Nakahanda nga siyang kuryentihin kami!

Naglabas siya ng electric sparks sa hintuturo niya at tinuro iyon sa'kin sabay hagis sa'kin nun. Pumadyak ako at sa impact nun ay tumalsik ang mga bato sa pinagpadyakan ko. Sinalo ko 'yung isang malaking tipak ng lupang tumalsik at hinarang iyon sa electric sparks sabay hagis kay Ayako. Iniwasan niya lang 'yon.

Lumabas din si Riikan at nag-control ng mga bato saka hinagis sa mga pinagtataguan ng kabilang team. Pero naglabas ng malakas na voltage si Ayako at naging parang thunder balls ito at pinatamaan ang mga malalaking bato kaya nadurog lang ito habang nasa ere. Hindi conductor ng electricity ang bato pero thunder balls 'yan 'no! Ang sakit sa tenga niyan tuwing bagyo ih! >_<

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon