-- Katsumi's POV --
"Ri.. Riaamu? Ikaw?" Nanginginig kong sabi habang tinitingnan siya. Nakaluhod siya sa tabi nung dead Custodian at... may hawak na dagger.
"I can't believe this!" Gulat na may halong galit na sabi ni Yu-san.
"K-k-katsumi..." naiiyak na si Riaamu. Tiningnan niya ang mga kamay niyang may dugo at tuluyan na siyang umiyak.
Tumalikod si Yu-san sa kanya. Naglabas siya ng isang relo at tumawag. "Ryuzuki... pumunta kayo ng investigation team at mga pulis sa may boundary ng Area C at B." Walang emosyon niyang sabi tapos binaba niya na 'yung kamay niya.
Tiningnan ko si Riaamu. Hindi talaga ako makapaniwala! All this time, siya ang pumapatay? At kasama namin araw-araw!?
Tumingin siya sa akin at humahagulgol na siya. Umiling iling siya na parang sinasabing hindi siya ang may gawa niyon.
"Riaamu!? Anong ginawa mo!?" Pagkasabi ko noon ay pakiramdam ko 'yung galit ko sa killer ay pigil na pigil pero mas nadagdagan dahil kaklase ko pa siya. Ang killer, kasama namin lagi sa usapan tungkol sa pagpatay.
Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan siya. Nasasaktan akong makitang ganyan ang hitsura niya. May dugo sa damit, may kaharap na patay at umiiyak.
"Paano mo nagawa 'yun ha!? Paano!? Bakit!? Sumagot ka Riaamu! Magpaliwanag ka!! Sabihin mong hindi ikaw ang may gawa! Wala kang kasalanan, 'di ba!?" Pinipilit ko na lang na isiping baka may dahilan siya, na baka hindi niya naman sadya, na... ewan!
"Katsumi... hindi..."
Tumalikod na din ako sa kanya at nakita ko si Yu-san na nakayuko at pinipigilang maiyak. At nandito na din sina Chibi, Miyako, Manami at Kuro. Mga may alinlangan sa mukha. Hindi mawari kung galit o maiiyak.
Maya-maya, dumating na 'yung Security Department kasama si Ryuzuki-san.
"Ryu... nahuli na ang killer." Mahinang sabi ni Yu-san. Tiningnan ni Ryuzuki-san si Riaamu na may galit.
"Hindi ko alam na kailangan ko pa palang gumawa ng kulungan. Hindi ko naman kasi alam na may ganyan palang Custodian." Matigas na sabi niya. "Dalhin na 'yan!" Utos niya sa mga pulis at agad naman nilang hinawakan sa magkabilang braso si Riaamu at ipinasok sa sasakyan nila.
Bakit hindi ka pumapalag, Riaamu? Are you guilty??
Nang makaalis na ang sasakyan ay pinagmasdan ko lang ito. Ang sakit. Bakit ganon? Bakit niya nagawa 'yon?
Napaluhod ako dahil kanina pa ito nanghihina. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Katsumi..." nilapitan ako ni Chibi saka niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.
"H-hindi ko maintindihan... paano niya nagawa 'yun??"
"Kahit naman po kami, hindi makapaniwala." - Manami
"Ang dami niyang pinatay. Dapat lang sa kanya 'yun." Matigas na sabi ni Kuro.
Lumuhod si Manami at pinunasan ang luha ko, "First time kong makitang umiyak si Katsumi." Sabi niya.
"Kaya nga... 'wag kang ganyan, girl! Malakas ka 'di ba? Magpakatatag ka!" Sabi ni Chibi habang yakap ako.
Oo nga. I have a strong personality. Pero... sa mga oras na ito, nanghihina talaga ako. Hindi maitatak sa isip ko ang nangyari. Riaamu, bakit??
"Katsumi-neechan!" Kumalas ako sa pagkakayakap kay Chibi at tiningnan ang parating. Sina Momo, Lu at Rikonee.
Agad akong niyakap ni Momo, "Nee-chan bakit ka umiiyak!?" Sabi niya habang hinihingal.
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...