Chapter 23

990 48 7
                                    

-- Katsumi's POV --

"Ang sakit ng katawan ko!" Sabi ni Chibi sabay inat at umupo sa sofa. Nasa bahay ang mga kaklase ko ngayon except Anzu and Kuro. Ewan ko ba sa dalawang 'yun. Noong isang araw, ang weird nila. Hmmm...

Nagtipon kami sa sala. Sa paborito naming restau dapat kami tatambay kaso puno kaya dito na lang sa bahay. May mga nakaupo sa sofa at meron din sa sahig. Isa na ako sa nasa sahig. -___-

At infariness sa tahimik team nina Kenidaro, Hirolee at Zumi, participating sila lagi kahit sa ganito lang. Madaldal nga minsan.

"Pero ang galing ni Sei-san 'no? Astig! ^-^" - Miyako

"Hmmm... may tanong ako." Sabi ni Onizuka. "Ilang beses ko nang nakita si Sei-san na lumaban. Lalo sa training. Pero I have never seen nor known her sixth sense."

"Oo nga 'no. Ano ba SS ni Sei-san?" - Riaamu

"Budoy powers." Sabi ko. Ang budoy eh.

"Grabe Katsumi. Hahaha!" - Miyumi

"Joke lang. Sa pagkakatanda ko, may phoenix chu chu doon." Sabi ko.

"Phoenix vision." Pagko-correct ni Erena.

"Ayun!" Sabi ko. Nakalimutan ko. *kamot ulo*

"Ano 'yun? Sa sight?" - Manami

"I really don't know." I answered. Wala akong idea sa SS ni Sei-san dahil kahit kailan ay hindi ko siya nakitang ginamit iyon. Puro siya mano mano.

"Nabasa ko 'yun sa book of sixth senses eh. Iyon daw ang highest form of telekinesis. Dangerous daw 'yun, kahit sa user dahil maaring ma-out of control niya ang power na iyon." Sabi naman ni Chibi.

"Ang taray~ nagbabasa~" pang-aasar ni Azami sabay sundot sundot sa tagiliran ni Chibi. Natawa naman kami doon.

"Best in reading na 'yan~ Hahahaha!" - Yunara

"Wale eh. Ganda ko eh." Natahimik naman kami bigla sa self proclaim ni Chibi.

"Krooo krooo..." - Momo

"May habagat ba?"

"CHE! 'TONG MGA 'TO! KALOKA!" Napatawa na lang kami sa reaction ni Chibi. Hahahaha!

"Wala eh. Ganda mo eh!" Pang-aasar ni Yunara.

"Heh! Hahahaha!" - Chibi

"Oy Ate Katsumi! Gutom na ako. Pameryenda ka naman!" Sabi ni Manami. Aba. Hahaha!

"K!" sabi ko na lang at pumunta ng kusina. Naghanap ako ng makakain sa stocks namin. Buti may packed cookies pa kami. Makabili na nga mamaya sa Mercado.

Bumalik ako na may dalang dalawang bowl ng chips and cookies at juice.

"Hindi mo kilala parents niyo?" Tanong ni Riaamu kay Momo.

Pagkalapag ko ng pagkain, napahinto ako.

"Hindi eh." Sagot ni Momo.

"Ikaw Katsumi, kilala mo ang mga magulang niyo?" Napatingin ako sa nagtanong na si Onizuka.

Mga magulang namin??

Umiling ako. Bakit ganun? Bakit hindi ko kilala parents namin? Bakit... wala akong maalalang may mga magulang ako.. kami? Bakit parang tulad lang kami ni Zumi na nagising na lang isang araw? Wala akong kilalang magulang namin maski guardian.

Napunta kami sa Custos... kaming tatlo lang. May magulang ba kami noong nasa labas pa lang kami?? WALA AKONG MAALALA!

Sumakit bigla 'yung ulo ko. Putek! Anong nangyayari sa'kin!?

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon