Chapter 31

1K 41 4
                                    

-- Katsumi's POV --

"Nandiyan na siya!" Sabi ni Momo kaya naman nagmadali kaming pumunta sa isang gilid.

"Handa na??" Tanong sa'min ni Manami kaya nag-oo kami nang pabulong.

Nang magbukas na ang pinto ay nagsigawan kami.

*POK!*

"HAPPY AZUMI ACADEMY DAY, SEI-SAN!!" Tinaas namin ang banner ng pagbati namin at isang malaking placard na may nakalagay na '

THANK YOU'.

"Oh..." napangiti nang malaki si Sei-san. "Aba! Surprise!" Sabi ni Sei-san habang tinitingnan 'yung mga bumababang confettis.

"At dahil AA Day ngayon, heto po ang korona ng pinakamaganda, pinakamagaling at pinakaastig na teacher sa buong schoooool!!" Sabi ni Azami sabay lagay ng korona lng gawa sa metallic paper sa ulo ni Sei-san.

"Nambola pa! Eh noong binibigyan ko kayo ng logics, umaangal kayo!"

"Well, that's why we love you! You made our days challenging, head bleeding, stomach aching, nose bleeding, and muscle paining!" - Kuro

"R.I.P. English!" Asar sa kanya ni Chibi. Hahahaha! English pa more~

"At syempre may speech si leader!" Sabi ni Riaamu. Hala? Hindi ako handa!

"Dali na! Extemporaneous speech! Haha!" Sabi ni Erena sabay tulak sa'kin. Sige na nga, push na 'to.

Nginitian ko si Sei-san. Ngumiti din siya pero grabe ang lapad! Parang nakipaglaban ng ngiti sa'kin. Artista smile. -_-

"Uhh... Sei-san, uhmm, una po sa lahat, maraming salamat po sa lahat ng itinuturo niyo sa'min. Sa pagshe-share niyo ng knowledge sa'min, sa pagtetraining sa'min, sa walang sawang pagbabantay sa'min, sa buong pusong pag-aalaga sa'min at lalong lalo na po sa pagtitiwala mo sa'kin na maging leader."

"Ok. Iiyak na ba ako?" Aye~ =___= si Sei-san talaga.

"Hehe. Salamat din po sa pagiging mabuting guro at magulang sa'min. Sa mga oras na 'pag hindi na namin kaya ay nandiyan ka. Sa mga oras na 'pag may kailangan kami ay nandiyan po kayo. Salamat din dahil napapatawa niyo kami kahit minsan corny ka."

"Aye. What's that? Wala akong corn farm!" Kitams? Hahaha!

"Ah basta. Isang malaking salamat po, Sei-san. Osusume Class loves you!" Sabi ko with big smile.

"Huehue. Group hug nga, mga chikiting! Kayo talaga! Kaya mahal na mahal ko kayo eh!" Lumapit kami sa kanya at naggroup hug kami.

"Hey guyss! What's happening here?" Napatingin kami sa nagsalita mula sa pinto.

"Akihiro???"

"Yo! I'm back! Miss me?"

"Guys! Snob him! Group huuuuug~" biro ni Miyumi.

"Lol. Hahaha!" - Yunara

"Ge. Ganyanan ha. Bahala kayo diyan. Panigurado magluluksa ang Osusume." Sabi niya with confidence.

"Hahaha! Pre! Welcome! Kuro here! Nice meeting you!" Nilapitan siya ni Kuro at nagshake hands sila, the man way.

"Oh my. KURO + AKIHIRO = GULO!" - Momo

"Sinabi mo pa. Naku Momo, dalawa na ang bully mo." - Yunara

"Wait lang!" Biglang sabi ni Sei-san, "Ikaw talagang Akihiro ka! Kahit kaipan ka talaga! Ako bida kanina pero umeksena ka!"

"Ay ganun? Hug na lang din kita. Weeeee! Sei-san, amishu!" Niyakap ni Akihiro si Sei-san. "Tell me, you miss me too, right?"

"Hindi." Maikling sagot ni Akihiro.

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon