-- Katsumi's POV --
Tahimik akong nag-iisip habang nasa kwarto ko. Nakahiga ako sa kama at ginawang unan ang mga kamay ko.
Riaamu, isang malaking BAKIT? Bakit mo 'yon ginawa? Ano'ng motibo mo?
Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman kong nanakit ang ulo ko. Kulang na ako sa tulog at masyado akong nag-iisip. Haaaayy.
Tumagilid ako at pumikit. Inaantok na ako. Baka pwedeng itulog ko muna 'to?
Anong baka pwede? Pwede talaga! Maawa naman ako sa sarili ko!
Pero nang pumikit ako at pinatahimik ang utak ko, biglang nagflash sa utak ko 'yung device ng Shinigamis. 'Yung timer. Isa pa 'tong gumugulo sa isip ko!
Umupo ako at tiningnan ang digital clock sa side table ko. It's still twenty hundred hours.
Inalis ko 'yung kumot ko at sinuot ang tsinelas ko saka tumayo. Kinuha ko ang coat ko at lumabas ng kwarto.
"Katsumi-neechan?? Saan ka pupunta??" Sabi ni Momo nang pasadahan niya ako ng tingin habang kaharap ang paboritong laptop.
"Sa Technology Dept."
"Sama." Tinanguan ko na lang siya. "Lu! Sama ka sa Technology Dept?" Tanong niya kay Lu na busy sa libro.
"Sige." Sinara niya ang libro at nilapag ito sa sofa saka tumayo at pumunta sa kwarto niya para kumuha ng coat.
Lumabas na kami at naglakad papuntang Technology Dept. Dumiretso kami sa Technology Museum kung saan naka-display pa din ang device.
Tinitigan ko itong maigi. Kalat kalat pa din ang numbers pero may kaisa-isang number zero doon. Tapos may mabilis pa ding gumagalaw na numbers na parang milliseconds at may mabagal at tama lang.
"Pumunta ka dito para diyan, Ate?" Tanong sa akin ni Lu.
"Yaan mo siya, bunso. Baka nag-o-audition na maging anak ni Ru-san." Loko ka Momo! *facepalm* sinamaan ko siya ng tingin at binalik ang tingin sa device.
Ayokong magpaka-genius or mag-feeling anak ng Chief Custodian pero hello! Just trying to help our tribe! Baka may maitulong ako! At sinabi na ni Ru-san, wala siyang anak! Baka mali lang nasabi nung Sean or mali lang pagkakadinig niya. And who knows? Baka ma-encode or ma-decipher ko ang kung ano mang nakalagay diyan.
Pinagmasdan kong maigi 'yung device. May design pa ito ng ibang details ng logo ng Shinigamis at mukhang medieval ang pagkaka-carve or mold sa designs na somehow looks creepy and antique.
Lumipat ako sa likod ng stand at tiningnan naman ang likod ng device. May black something na cloudy at umiikot clockwise. Meron ding designs ang gilid na tulad ng sa harap. May napansin akong parang writings pero hindi ko maintindihan! Isa pa, ang liliit!
Mas nilapit ko ang ulo ko at tiningnan maigi ang writings.
Asdfghjkl! Pinapasakit ko lang ang ulo ko!
'
'
Uhhhh... 'kay???
Mahilig din pala sa ganito ang Shinigamis. =_____= pero kahit halos nakabisado ko na ang logics ni Sei-san ay hindi ko ito malaman-laman! Hello! Symbols or something ang gamit!
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...