-- Chibi's POV --
Tahimik.
Walang nagsasalita sa amin. Pinaglalaruan ko lang ang ballpen ko habang nakatulala.
Maya-maya, pumasok si Ru-san. Galing siya sa Security Department kung saan nila dinala si Katsumi.
Haist, Katsumi! What happened to you!? Anong ginawa mo!?
Tumayo kami at binati si Ru-san na may mga kasamang galing Security Dept sa likod niya. Nagbow pa kami.
"I just want to tell you that... Katsumi is now in jail."
Hindi na ako nagulat. Alam kong ganon ang mangyayari. She just did an act of betrayal!
"Tell me, Osusume, kung meron pa sa inyo ang nagpaplanong talikuran ang Custos Tribe!"
Tama si Ru-san. Galing sa Osusume Class ang mga... betrayers. Meron pa ba?
Betrayers. I didn't know that they exist inside Custos Tribe. There's never a history of betrayal here. I can't believe this. Nagtiwala ako kina Riaamu at lalo kay Katsumi! But... *sighs*
"Sabihin niyo na hangga't maaga pa!" Sabi ni Ru-san habang naka cross-arms.
Nakayuko lang ako. I never thought of betraying this lovable tribe. But in Katsumi's case... I knowned her for a long time! Hindi ko alam na kaya niyang gawin 'yon!
"So wala na? Sigurado?" Sa tono ni Ru-san ay parang wala na siyang tiwala sa amin. Hindi ko siya masisisi. Katsumi was the second case after Riaamu. "Chibi,"
Napatingin ako kay Ru-san. Namumula ang mata niya at halatang galit siya. "Y-yes, Ru-san?"
"I'll trust in you. Please, don't ever turn your back from us. From now on, you'll be the new leader of Level 2 Osusume Class."
Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. Ako? Papa... papalitan ko si Katsumi?
"Ru-san, hindi po---"
"Are you rejecting me?" Napatikom ako ng bibig.
"H-hindi po, Ru-san."
"Ok. You're now the leader."
Nagbow ako, "Thank you po sa promotion. I promise I'll be loyal to you, Ru-san."
"'Wag sa'kin, Chibi. Sa Custos Tribe ka maging matapat." Diniinan niya pa ang word na matapat. "Then that's it. It's set. Chibi is the new leader of Level 2 Osusume Class. See you later. Bye." Sabi niya saka lumabas kasama ng mga Police Custodian.
Ako... ako na ang bagong leader. It's a good thing but... it feels not.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Wala sa kanila ang nakatingin sa akin. Si Momo naman ay humahagulgol at yakap-yakap ni Kuro. Mukhang siya ang pinakanahihirapan para sa ate niya. I understand them.
Mas gusto ko ang pamumuno ni Katsumi dahil madami siyang words of wisdom. Marami na siyang nagawa para sa amin. She always protect us just like a big sister. She always cared and watched out for us. She has a big responsibility on holding and leading 19 Level 2 Osusumes. I have witnessed her hardwork as a leader eversince she was assigned to be in the lead.
Nakita ko kung paano niya ginawa ang lahat para sa ikabubuti namin. Kung paanong siya ang sumasalo sa amin sa ano mang gawin namin. Kung paanong siya ang dumadalo sa executive meetings at babalik sa room na nag-aalala ang mga mata 'pag negative ang napagmeeting-an. Kung paanong isusubo niya na lang pero ibibigay niya sa amin. Kung paanong magbibigay siya ng oras para turuan kami ng nalalaman niya. Kung paanong uuwi siya na sabik na pumikit dahil sa pagod sa pagbabantay at pangunguna sa amin at sa iba pang responsibilidad bilang leader ng buong Osusume Class.
I think... I can't replace Katsumi. I respect and admire her. Pero nagmula na mismo sa bibig ni Ru-san, I'll just follow Katsumi's way on leading us.
Pero Katsumi, bakit mo nga ba nagawa iyon? I kniw you have a reason and I'll listen to it.
~~~
"Dito." Sabi sa akin nung guard saka binuksan ang pinto tungo sa kwarto ni Katsumi kung saan siya nakakulong.
Agad kong binuksan ang isa pang pinto at nakita si Katsumi na natutulog sa iisang kutson sa malamig na sahig.
Sa kaunting pagkilos ko ay nagising siya. Napatayo siya at lalapitan sana ako nang mahinto siya.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.
Lumunok muna ako, "Katsumi... I'm the new leader of our class."
Ngumiti siya, "As expected." Tinapik niya ang balikat ko, "Do well, okay?" Tumango ako.
"Katsumi, bakit mo ginawa iyon?" Nawala ang mga ngiti niya sa tanong ko at binaba ang kamay niya. Tumahimik lang siya at naupo sa kutson. "Tell me... I'll listen."
Huminga muna siya ng malalim, "Ryohei was a close friend of mine." Sabi niya.
"So... you have a Shinigami friend?"
Ngumiwi siya, "That's it. Nagmumukhang masama ang friendship namin dahil sa big difference namin!" Naiinis niyang sabi saka umiling.
"Katsumi, mali ang ginawa mo! Hindi ka nga dapat nandito eh!"
"Anong mali sa pagpo-protekta sa isang kaibigan, ha!?" Tumayo siya at mukhang naiinis, "Tell me, Chibi! If you were on my situation, may kaibigan kang Shinigami na duguan at papatayin na, will you let him die!? Hahayaan mo bang mamatay siya!?"
Hindi ako makapagsalita. So they were that close, eh?
"Kung ganun ay sa simula pa lamang ay mali ka na. May kaibigan kang... SHINIGAMI!"
"Chibi, mas pinili kong protektahan siya kasi kung hindi ay mapapatay niyo siya! Mas may risk ang buhay niya kesa sa'kin na nandito lang sa kulungan! Hindi pa ako patay! Pero kung hinayaan ko siya, mamatay siya! And I don't want hin to die when in fact, I can do something to save him!" Nanginginig niyang sabi.
"He's a Shinigami." I insisted calmly.
"Yeah I know right! And he know it too! Pero ano? Tinalikuran niya ba ako? Kahit nasa labas pa ako ng Custos ay alam niya nang Shinigami siya at alam niya nang Custodian ako. Pero hindi niya ako pinahamak at siya pa mismo ang nagdala sa akin dito! He's a good friend indeed! Ugh! Why am I even explaining these things to you where in the end, dito pa din ang bagsak ko!" Sabi niya saka sinandal ang likod at ulo sa pader.
"Pero hindi mo dapat ginawa iyon." Wala akong masabi pero lumabas iyan sa bibig ko.
"Ang kitid ng utak mo." Mahina niyang sabi na nagpaliit ng mata ko. How did she said that to me!?
"What!?"
"He is my best friend. He cares for me. He protects me always kahit pa sa mga Shinigami! There's no way I can betray him! I have known him simula pa ng magkaisip ako!"
Nilapitan ko siya ng kaunti. Medyo naiinis na din ako, "The thing here is, he's a Shinigami and you are a Custodian! Our clans are different and is in a state of war!" Pagdidiin ko sa kanya.
"How many times will I tell you that he is my special friend that you don't know!? Wala kayong alam, Chibi! At isa pa, mas nauna ko siyang nakilala at naka-close kesa sa inyo at sa tribong ito!"
At that point, I slapped her hard. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pagkakasampal ko sa kanya na tila ba ang inis ko sa kanya ay nasa mga kamay ko nang dumampi ito sa pisngi niya. Nanginig ang buong katawan ko.
"Katsumi, is that you?" I asked her. "Oh, let me rephrase that. Is that the real you?"
At doon ay naiyak na siya at naupo sa kutson niya. Nahihirapan siya, alam ko. Pero nang marinig ko ang mga huling salita niya, parang sinasabi niya na walang binatbat ang buong tribe sa Shinigami-ng iyon pagdating sa kanya. I can't believe her!
Marahas kong binuksan ang pinto at mabilis na lumabas ng building. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko.
Custos Tribe, what happened to you? Where is the old, peaceful and happy you? What happened?
***
AN: K. I don't know if this satisfies you. Huehue. The great battle is near! ^-^
Thanks for reading! GOD BLESS! ^_^
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...