-- Katsumi's POV --
"Azami?" Balik na tanong ni Ryohei sabay upo sa log. "What about her?"
"Sino bang Azami 'yon?" Tanong ko na rin saka umupo sa tabi niya.
Bumuntong hininga siya at umiling, "Si Azami... she's my invention. My bestfriend." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. "At siya rin... ang Azami-ng kilala niyo sa Custos Tribe." At doon na tuluyang ngumanga ang bibig ko. "Pasukin ng langaw 'yan, Kaka." Sinara niya ang bibig ko. Loko.
"Ang Azami namin na may... Eidetic Memory... galing Mimi class... ay imbensyon mo at bestfriend mo?" Paglilinaw kong tanong. Tumango namna siya habang nakatingin sa mga mata ko. "Are you... are you spying us? Is she the one who owns the notebook? Siya ba ang pumatay sa dalawang Custodians sa loob ng tribe city??" Sunod sunod kong tanong. Bigla akong na-frustrate. Si Zumi naman, nananahimik lang.
Yumuko siya, "Hindi ah." Inangat niya ang tingin niya, "Mali lahat ng akala mo, Kaka. I'll never do that. Oo, nakapatay na ako ng Custodians at Senshins, kahit pa humdrum. But I'll never send someone to spy you or to finish you."
"Kaya mo ngang pumatay eh, ang ganun pa kaya!?"
"Let me explain!" Nagtaas na siya ng boses sa'kin.
"Go." I signaled.
"Three years ago, pinadala ko sa Custos Tribe si Azami. Para siyang robot na may characteristics ng isang immortal or mortal, may dugo, internal organs, sixth sense at iba pa. Ang pinagkaiba niya lang sa atin, wala siyang utak. Ang utak niya ay isang computer. To sum it up, gumawa ako ng isang Custodian. Pero may mali akong nagawa sa kanya, ang mata niya. Accidentally, yellow ang mata niya. Parang sa amin lang. Kaya tuwing gagamit siya ng SS ay nakapikit siya. Naka-default 'yun sa kanya." Tiningnan niya muna kami bago magpatuloy.
"Then?"
"'Yun nga, pinadala ko siya sa inyo. Napunta siya sa Mimi Class tapos nang malaman kong nasa Osusume Class ka, pinapunta ko siya dito at in-upgrade. Nandito siya hindi para espiyahan kayo, kundi para bantayan kayo, Kaka. Kayong magkakapatid." Nanlaki mata ko.
"Ha??"
"Matagal nang plano ng... errr. This is betraying!" Napapikit siya at napasabunot. Tiningnan niya ako sa mata na parang nagsasabing hindi niya kayang sabihin.
"I understand." Ngumiti ako. "You're still a Shinigami. Nagets ko na rin naman na eh. Pinadala mo siya para protektahan kaming magkakapatid dahil sa banta ng pagpatay sa tribo namin???" Ngumiti lang siya, "So matagal niyo nang plano 'yon?" Ngumiti lang din siya, "May Shinigami sa loob ng tribe city?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Oh bakit? Ano ibigsabihin nun?
"Sorry, Kaka. But I have to go. Mag-ingat kayo. Bumalik na kayo agad sa inyo." Binuksan niya ang black dimension at umalis na.
"Okay ka na ba sa mga nalaman mo tungkol kay Azami?" Tanong ni Zumi sa'kin.
Tumango ako habang nakatingin pa rin sa nilabasan niya, "At least alam ko nang hindi siya kalaban." I said.
Si Azami... ang tagabantay pala namin. Kaya pala na-mention niya kami noong may kausap siya sa rooftop noon which is si Ryohei talaga. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kuya-kuyahan naming 'yun! (_ _")
Pero 'yung mga tinanong ko kay Ryohei kanina... wala pang matinong sagot. May Shinigami ba sa loob ng tribe city? Alam ba nila kung sino 'yun? Aish! Kainis! Baka si Azami? Kasi 'di ba, gawa siya ng Shinigami? So... hindi talaga siya Custodian! Ay nako Ryo! Mga kalokohan mo!
~~~
"Kids! Training tayo in using our weapons! Taralets sa weapon room!" Masiglang sabi ni Sei-san.
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...