Chapter 19

1K 56 1
                                    

-- Katsumi's POV --

Isang linggo higit na ang nakalipas matapos nung securing Mr. Zhao operation. Nag-usap-usap lang ang leaders and pioneers ng tribe pati sina Mr. Zhao. Nagbigay ng advanced technologies si Mr. Zhao nang malaman niya ang threat sa tribe.

"Katsumi-neechan..." tiningnan ko 'yung pumasok sa kwarto ko. Si Momo.

"Oh?"

Umupo siya sa kama ko. Nakahiga naman ako. "Bakit ba parang may galit sa atin ang Shinigamis at gustong gusto nilang ubusin ang lahi natin?"

"Tinanong mo na 'yan 'di ba?"

"Opo. Wala namang sumagot."

"Tingin mo, bakit walang sumagot?"

"Aba malay ko."

"Kasi walang may alam."

"Sure ka?"

"Bakit naman nila ipagkakait 'yung sagot 'di ba?"

"Ay. Ok."

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya palabas.

"Saan tayo pupunta?"

"Saan kayo pupunta?" Sabi ni Lu habang nagbabasa sa sala.

"Sa public library. Sama ka?"

"Malamang sasama 'yan. Nandun mga kapatid niya eh." Sabi ni Momo. Ang sinasabi niyang kapatid ni Lu ay 'yung mga libro. Loko talaga.

Tumayo si Lu at binitawan ang libro niya.

"Kumuha kayo jacket. Malamig sa labas." Gabi na kasi.

Pumunta sila sa mga kwarto nila at kumuha ng jacket. Kinuha ko na rin ang jacket ko. Pagkatapos, lumabas na kami. Hindi kami nagla-lock ng pinto o ng bahay dahil safe naman dito. Custos Tribe is a safe place for all the Custodians.

'Yung pagpatay na nagaganap, hindi na ulit nangyari. Dalawa lang ang namatay. Ayos na 'yun kesa dumami pa ang mawalang Custodian. Wala na siguro 'yung killer. Pero kahit ganun, kailangan pa ding maging maingat.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng librarian na si Asuna-san. Dumiretso kami sa history section.

"I hate history." Sabi ni Momo.

"Kung ganun, bakit curious ka sa galit sa atin ng Shinigamis?"

"Ok ok fine."

Naghanap ako ng history books at kumuha ako ng tatlong makakapal. Binasa ko 'yung isang libro. Wala akong nakita. Pati na rin sa iba pang libro. May libro ba dito na may nakalagay tungkol sa kailangan namin?

Lumapit ako kay Asuna-san at nagtanong tungkol sa librong hinahanap ko.

"Hmmm... ang alam ko may isa o dalawang libro dito tungkol sa Shinigamis eh. Wait." Pumunta si Asuna-san sa history section at umakyat sa ladder. May kinuha siyang black-covered book. "Eto oh."

Inabot ko iyon, "Salamat po." Tapos bumalik na siya sa desk niya.

Binasa ko 'yung title, Shinagami, The Assassins.

"Katakot title ha." - Momo

Umupo ako sa upuan at pinatong iyon sa lamesa. Binuklat buklat ko siya. Tiningnan ko kung may table of contents. Saklap, wala.

Nagbuklat-buklat na lang ako. Kung ano ano tungkol sa Shinigami ang nandun.

"Babasahin ko na lang lahat 'to. Abangan mo na lang Momo."

"Ayaw mo ipabasa kay Lu?"

Tiningnan ko si Lu na nagbabasa, "Mukhang may nahanap na siyang ibang babasahin eh."

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon