Chapter 3

2.4K 74 4
                                    

-- Katsumi's POV --

"Let's proceed to our new Dimension room."

Dimension room?

Nagtaas ng kamay si Yunara, "Sei-san, ano pong Dimension room?"

Nginitian kami ni Sei-san, "Dimension room is one of the latest inventions of our technology engineers. It is a room where we can have our battles in different places without harming others."

"What? I can't understand. How come?" Tanong ni Ayako.

"For you to know, just follow me."

Tumayo kaming lahat at sumunod kay Sei-san. Naglakad kami hanggang sa kabilang part ng Azumi Academy. Pumasok kami sa isang room kung saan may isa pa uling room na ang pader ay salamin lang. Pure white lang ang kwartong 'yon. Wala kang ibang kulay na makikita. Para ngang walang pader dahil kahit line wala kang makikita.

Sa isang tabi naman, may isang computer na madaming buttons.

"Who wants to go first?" Tanong ni Sei-san.

Dahil hindi niya naexplain ng maayos 'yang dimension room na 'yan, walang nagtaas ng kamay.

"Don't worry guys, it's tried and tested. It's fun inside!" Pang-a-assure niya sa amin na safe doon.

"Osusume leader, wanna try first?"

"P-po?" Grabe ako pa unang nakita!

"Sige na. Magpasama ka pa sa dalawa."

Pumayag na lang ako. Tumingin ako kay Momo. Umiling siya sign na ayaw niya.

"Sama ako." Pagpe-prisinta ni Hirolee.

"Ok. Sino pa?" - Sei-san

Tiningnan ko silang lahat at si Riaamu ang una kong nakita kaya siya na lang ang tinuro ko.

"Ok. Kayong tatlo ang unang susubok sa Dimension Room sa Level 2 Osusume. At bago kayo pumasok, kumuha muna kayo ng weapon." Sabay bukas ni Sei-san ng isang box.

"B-bakit kailangan ng weapon?" Sabi ko. Ibig sabihin ba niyan, may something sa loob?

"Basta. In case lang. Haha! Kuha na!"

Kumuha na kami ng weapons namin. Ako, isang fire gun. Si Riaamu, 'yung katana. At si Hirolee naman ay 'yung slingshot. Ang taray naman nito, slingshot lang. Sa bagay nasa gagamit lang 'yan.

"Ayan! Pasok na!" Binuksan ni Sei-san 'yung glass door.

Pumasok na kaming tatlo doon at nakakabulag ang pure white room na 'to! Ang liwanag pa!

Isisingit ko lang 'tong thought na 'to, for the first time, ako ang pinakabata ngayon. Haha. Ok scroll down.

Nakikita ko naman ang glass wall at 'yung iba sa loob. Si Sei-san naman, may hawak na maliit na mic.

"Are you ready?" Ewan pero sa tanong niyang 'yun, parang may kakaiba.

Tumango kaming lahat habang nakatingin sa kanila. May pinindot si Sei-san na isa sa mga buttons at sa isang iglap, nawala sila. Nawala 'yung glass wall at door. Walang wala! Complete white ang nakikita namin ngayon at sila Hirolee at Riaamu lang ang nakikita ko.

"T-teka! Sei-san!"

"Enjoy, kids!"

Tapos 'yung complete white place na kinaroroonan namin, biglang naging forest.

T-teka... anong nangyayari!?

"K-katsumi! Anong nangyari?" Lumapit sa'kin si Riaamu.

"H-hindi ko din alam."

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon