Chapter 1

8.7K 114 19
                                    

-- Katsumi's POV --

"Katsumi-neechaaaaaaaaaannn!!"

*boogsh!*

"ACK!"

A-aray~! T.T

"Katsumi-neechan! Tawag na tayo ni Ru-san!" Natatarantang sabi ng makulit kong kapatid.

"Oo na! Oo na! Mauna ka na!" Tumayo ako mula sa pagkakahulog ko sa kama. Nagulat kasi ako sa sigaw ni Momo. Aish! Bibig talaga nun, parang wangwang! =___=

Bago pa tuluyang makalabas ng kwarto ko si Momo, tinawag ko muna siya.

"Bakit?"

"Si bunso?"

"Nag-aalmusal na. Bilisan mo baka magalit si Ru-san."

"Osige. Mauna ka na."

Inalis ko 'yung nakabalot pa sa'king kumot. Lumapit sa salamin sa banyo at naghilamos at nagmumog. Ugh! Ang sakit ng pwet ko! Lokong Momo 'yun. Gulpi sa'kin 'yun mamaya!

Nag-ayos na ako at nagpunta sa conference hall kung saan may orientation para sa lahat ng minor aged Custodians. Start na naman kasi ng klase. Hay.

Hinanap ko na 'yung mga kapatid ko at nang makita ko na sila, tinabihan ko sila. Katabi rin namin 'yung mga kasama ko sa Osusume Class o 'yung special section ng high leveled students.

"Uy Katsumi, may muta ka pa!" Salubong agad ni Yunara through inner voice.

"T-talaga?" Kinapa ko naman 'yung gilid ng mata ko.

"Joke lang. Na-late ka ah?" Haist. Joke daw. -___-

Umayos ako ng upo, "Oo eh. Tinapos ko requirements para sa school year na 'to."

"Nice. Sipag! Himala!" Pang-aasar ni Chibi.

"'Wag mo 'kong simulan Chibi ah!"

"Hahahahahahaha!"

"THE THREE OF YOU!"

Napaupo ako ng maayos at napatingin sa galit na Lead Custodian sa harapan namin. Patay. Nakakarinig nga pala siya ng kahit anong usapan through inner voice kahit 'di siya kausap! >_

"Please... listen."

Pagkatapos nun ay nagsalita na ulit siya. Pwew! Muntik na 'yun!

"As I was saying... Azumi Academy is going to start a new school year. And of course, with new students." Sabay turo niya sa mga mukhang humdrums sa left niya. Mukhang kararating lang nila.

"We will also be having new facilities and equipment for you to learn more. Special thanks to our Technology Department that donated these equipments." Tapos tinuro niya 'yung mga naka-tuxedo at may red na mata. Wow. Ang galing talaga nila! Lagi nilang sinusuportahan ang Azumi Academy.

"And for further information, you may just ask your family leaders. Katsumi for Osusume, Akihiro for Shisen Class, Aira for Mimi Class...." habang nagsasalita siya, nagsisitayuan 'yung mga tao este Custodians (hindi nga pala kami humdrums to use that term). Mukhang pupunta na sila sa family leaders nila. Hindi pa naman tapos magsalita si Ru-san. Ano ba 'yan.

Ang paghahati-hati ng klase namin ay depende sa sixth sense namin. 'Yung Osusume class, kakaiba sixth senses. Bilang na bilang lang ang meron ng sixth senses namin. Pwedeng normal na enhanced sight pero paniguradong super enhanced 'yun.

Nang matapos 'yung pagsasalita namin, nilapitan na nila ako. Ako leader kasi ako pinakamatanda. -___- Kasama ko si Momo kasi magkaklase kami kahit magkaiba age namin. Kung sa humdrums, may Grade 1, 2, 3, etcetera, sa'min ay naka-classify lang ang pagiging student namin sa Level 1 at 2. Ang Level 1 ay ages 5 to 12 at ang Level 2 naman ay ages 13 to 17. Kaya ang bunso naming si Lu ay Level 1 pa lang dahil 11 pa lang siya. Si Momo, 13 na at ako ay 15.

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon