Chapter 53

909 35 9
                                    

Half An Hour Before The Attack...

-- Chibi's POV --

Hindi namin alam kung magluluksa ba kami o magce-celebrate ng birthday ni Katsumi. Kasi una, patay na si Azami. Pangalawa, nawawala si Katsumi.

Anong nangyayari? Naguguluhan na ako. Masisiraan na yata ako ng bait. Paano nangyayari 'to? Walang ano-anong namatay si Azami. Paano nangyari 'yun?

Tiningnan ko si Momo na nakapahalumbaba sa railings sa corridor.

Nilapitan ko siya at inakbayan, "Momo, magiging ayos lang siya. Si Katsumi pa ba?"

Tiningnan niya ako. Nangingilid mata na pala siya, "Hangga't 'di ko alam kung nasan siya, hindi ko masasabing ayos lang po siya." Tas umiling siya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"Guuuys!!!" Napatingin kami sa patakbo sa aming si Anzu na kasama sina Hirolee at Onizuka.

"Oh? Anong nangyari?" Sabi ko nang salubungin ko sila.

Hinabol muna nila ang hininga nila bago makapagsalita..

"'Yung.. 'yung Shinigami Device!" Hinihingal na sabi ni Onizuka.

"Ano meron doon?" - Miyako

"It's shaking na parang may kung anong nasa loob nun. Tapos 'yung numbers... tatlong numbers na lang ang natitira unlike noon na madami." Sabi ni Anzu.

"What does it mean?" Natatarantang tanong ni Ayako.

"Sa tingin namin, ngayon na sila susugod."

*BOOOOOOOMM!!!*

"KYAAAAHH!" Napayuko kami dahil sa pagsabog.

"Waaah ano 'yon!?" - Manami

Tumakbo ako palabas ng Azumi Academy Building. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang RND Building na nagliliyab.

"Oh sheet." Naibulong ni Kenidaro.

Nag-ring 'yung emergency alarm ng buong tribe. Nagsilabasan ang mga Custodians sa kani-kanilang lugar na may hawak na kanya-kanyang weapons. 'Yung mga bata, dinadala na sa plinanong pagtataguan nila, underground.

"Custos!" Narinig namin ang boses ni Yu-san sa speaker. "Suit up."

On cue akong napatakbo papasok ng Academy.

"Guys! Listen." Tawag ko sa kanila habang tumatakbo kami. "Miyumi, Hirolee and Kuro, lahat ng Level 1 ay ilabas niyo na at idala sa planned hideout nila. The rest, hanapin na ang ibang Level 2."

Nilabas ko na ang boomerang ko na laging nasa likod ko at tiningnan kung ano lagay ng ibang estudyante. Lumabas ako ng Academy saka dumiretso sa Security Department para pumunta sa armory.

Pagdating ko, nagkukumahog ang mga Custodian sa pagpapasa-pasa ng weapons na magagamit nila. Nagkalat na nga ang iba dahil nataranta na sila. Leshe. Gandang sorpresa! Haist. Galing talaga ng mga Shinigami na 'to!

Pagkatapos kong kumuha ng isang armalite at isang grenade launcher, lumabas na ako at pumwesto sa pinto ng hideout ng mga bata. Nakita ko doon sina Rikonee at Lu na naghihintay ng paparating.

"Ano nang lagay?" Tanong ko sa kanila.

"Konti na lang po ang wala." Sabi ni Rikonee.

"Kayo nang bahala dito. Bantayan niyo sila." Sabi ko saka tumakbo paalis.

Tinumbok ko ang daan papuntang RND Building. Habang nasa daan ako ay nakikita ko ang ibang Senseis na lumalaban na rin. May mga Shinigami na sa labas ng RND building at madami na ding mga Custodians na mukhang patay na. Agad agad? Juice ko! Mukhang handa talaga sila! Haist!

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon