Chapter 15

1K 56 4
                                    

AN: Sorry natagalan sa UD. Huehue. Wag na alamin kung bakit. x)

-- Chibi's POV --

Serious mode. Hindi pa din mahanap si Mr. Zhao.

"Sei-san? Sei-san?" Cumonnect ako kay Sei-san.

[Yes, my dear?]

"Hindi po mahanap si Mr. Zhao. Kanina pa po dapat siya 'di ba?"

[Really? Oh my. Wait.] Pinutol niya linya namin. May ginawa siguro.

Kaloka! Nasan na ba 'yung Mr. Zhao na 'yun? Hide and seek ba 'to?

Nagpatuloy kami sa paghahanap. Kung saan saan na kami nakarating. Haist. May bagahe pa kami oh.

[Chibi?? Chibi??] Si Anzu.

"Yo?"

[Nahanap niyo na?]

"Not yet. Sa inyo?" Siguro naman malawak ang range na makikita niya dahil sa SS niya.

[Sorry. Hindi pa.] Aish! Bakit wala pa siya? Na-delay ang flight? Or.... no. No. No. Hahaha. Hindi pwede 'yun 'no. Pero posible. Tsk.

"Ipa-page na kaya natin?" I looked at Miyako.

"We can't. Kung may kalaban dito at marinig 'yun, mas napadali trabaho nun." Aba. Matalinong Shenji.

"Search pa more." -Eri

Haist. Lakad na kami ng lakad. Wala pa din. Nandito ba talaga siya? Dalawang grupo na ang nag-iikot ah.

[Chibi. Balik na sa lobby. We found him already.] It's Katsumi. Buti naman!

"Already found." Sabi ko sa mga ka-grupo ko at sinenyasan sila na bumalik na sa lobby.

[Get ready guys. Palabas na kami. Hirolee, clear na ba?] - Katsumi

Hindi ko na narinig sagot ni Hirolee dahil 'di ako naka-connect sa kanya. Nakaka-connect lang ako sa mga pangalang binaggit ko. Ganun kumo-connect ang gadget na 'to.

[Ok. Chibi Team, magmasid.
Hirolee, secure the area. Zumi, clear na dapat 'yung dadaanan.]

50 meters away na kami kina Katsumi at nag-uusap na sila ni Mr. Zhao. May kasamang isang babae si Mr. Zhao na secretary niya yata.

"There's nothing strange." Report ni Ayako.

"Good."

Nang makalabas na sila Katsumi, pasimple pa kaming nagtingin tingin sa paligid saka lumabas. Sumakay na sa sasakyan si Mr. Zhao kung nasaan sila Sei-san. Nasa likod nila ang kotse nila Katsumi. Nakita ko naman si Hirolee sa malayo na kunyare eh may hinihintay. Patingin tingin siya sa relo niya. Nasa 'di kalayuan ang mga ka-grupo niya na pasimpleng nagmamasid.

"Sasakay na ba tayo?" Tanong ni Miyako

"Sige." Tapos parang may tinext si Miyako. Pinatawag niya 'yung kotse namin na pinagmukhang taxi. Hologram lang 'yun tulad sa Dimension room. Wala 'yung driver at mag-isa lang na umaandar pero may hologram din na driver.

Ganun din sa ibang kotse. 'Yung sasakyan nila Hirolee, mukhang pick-up. Kina Zumi, L-300. Sa iba, normal na kotse na lang. Walang driver lahat, hologram lang.

"Leggo." Sumakay na kami sa taxi-taxihan namin.

Pasimple lang kaming nakasunod sa sasakyan nila. Nakikita ko sa paligid ang grupo nila Zumi. May naka-motor at may naka-kotse sa kanila. Hindi halatang teenager lang sila dahil sa disguise nila, naka-helmet pa.

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon