-- Anzu's POV --
"Pumunta ka sa office ko, now!" Tapos naglakad na paalis si Ru-san.
Hala! Alam niya na ba!?
Nilapitan ko si Kuro, "Hoy! Sinabi mo ba??" Tanong ko.
"Hala, hindi ah! Baka nabasa niya isip mo??"
Paktay. Tsk.
"Samahan mo 'ko!" Sabi ko at hinila siya paalis.
"Idadamay mo pa ako!" Murmur niya.
Pagdating namin sa Chiefs' Hall, pumasok na kami sa opisina niya. Nakaupo na siya sa swivel chair at ang daming papel at documents na nakatambak sa lamesa niya.
"Good morning po, Ru-san." Sabay naming sabi ni Kuro.
"Kuro, Anzu ka na din? Siya lang tinawag ko ah." Sabi ni Ru-san.
"May alam din po siya." Depensa ko. Oo, may alam siya. Nakita niya. Naman kasing X-Ray vision 'yan! =____=
"Maupo kayo," naupo kami sa bench sa isang tabi. Tumayo siya sa harap namin, "Ok... ano ang gusto mong sabihin sa'kin??" Tanong niya sa'kin. Alam niyang may dapat akong sabihin? Huehue! T^T
"Ah... eh... Ru-san... na--nasaan po 'yung...." kinakabahan akoooo! >_< "'Y-yung anak niyo???"
Natigilan siya sa tanong ko at napatitig sa'kin. Pinagpapawisan ako!!
"Anak ko???" Mahinahong tanong niya.
Tumango kami ni Kuro.
"Anong anak!? Wala akong anak! Dalaga pa ako at hindi pa nagagalaw! Saan mo naman nakuha 'yang ideyang 'yan!?"
Biglang lumabas si Yu-san mula sa kwarto sa likod ng upuan ni Ru-san, "Anak!? Kambal, may anak ka na!? Sino ama?! Si Freddie Aguilar!? Nang isilang ka sa mundong ito~"
"Manahimik ka, balkam! Wala akong anak, ano ba!" Sabay batok kay Yu-san.
"KAMBAL! SINO ANG AMA!?" niyugyog pa ni Yu-san si Ru-san, "Sabihin mo ng madagukan!" Pero si Yu-san ang dinagukan ni Ru-san.
"Wala akong anak." She said firmly.
Napanganga ako sa sinabi niya. WALA SIYANG ANAK!? Eh sino 'yung sinasabi ni Kuya Sean na anak ni Ru-san!? Putek!
"Sinong Sean??" Sabi ko nga nakakabasa siya ng isip.
"Uhm, kaibigan ko po sa labas." Sabi ko.
"Custos din ba?" - Yu-san
"Baka po. May alam po siya eh."
"Ano bang tungkol sa 'anak' kuno ko?"
"Ah.. uhm.. sabi po kasi ni Kuya Sean, 'yung anak niyo---"
"Wala akong anak." Matigas niyang sabi. Okay! Okay! Wala! T.T napapahiya ako!
"'Yung sinabi po niyang anak mo na hindi totoo, ang makakaalam ng eksaktong oras ng pagdating ng mga Shinigami... gamit ang isang device na nilagay ng mga Shinigami sa tiyan ko noong nasa labas pa lang ako." Naginginig pa ako habang sinasabi 'yun.
"What?" Sabay nilang sabi habang nakanganga.
"Opo. At may kakaibang device nga sa loob ng tiyan niya, na nakikita ko po." Sabi naman ni Kuro.
"May timer po ang device. Time limit, para makita ko ang a-anak m-mo, Ru-san. Kung hindi, sasabog ang timer. I have one month left."
"Anak ni Kambs!? Eh virgin pa siya 'di ba!!" - Yu-san
"Wala talaga akong anak!" Sabi ni Ru-san. "Ano pa ang meron diyan??"
"At may secret timer din po sa loob na hindi ko maintindihan. Tingin ko po, iyon ang timer para sa pagdating ng mga Shinigami." Sabi naman ni Kuro.
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
RandomDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...