-- Katsumi's POV --
"NOOO! STOOP!!!"
Binitiwan ni Sei-san 'yung pop corn niya at mabilis na tumakbo sa direksyon ni Kenidaro. Pero nahinto si Sei-san nang biglang uminit ang paligid at may lumabas na dalawang Shinigami sa harap niya.
"ACK!" Napatingin ako kay Miyako at doon ko siya nakitang bumagsak. Hindi ko na nakita ang nangyari sa kanya. Na kina Sei-san ang atensyon ko.
"Ate... tulungan mo sila." Tiningnan ko si Lu. "Kayang kaya niyo sila."
"Lu... tutulungan ko sila basta magiging okay ka ha?"
Natawa siya sa sinabi ko, "Opo. Hindi pa ako pwedeng mawala 'no. Hindi pa ako nakakakain sa Jollibee." Lokong bata talaga 'to.
"Oh sige na." Umalis siya sa pagkakapatong sa balikat ko. Hinila ko siya papunta sa isang sulok at doon ko siya iniwan. "Sumigaw ka lang 'pag may lumapit sa'yo." Tumango lang siya.
Tumayo na ako at tiningnan sina Sei-san. Magkatinginan lang sila ng mga Shinigami.
"Tapusin niyo na 'yan." Sabi ni Yoshu.
"Yes, boss." Tapos sumugod 'yung isang Shinigami.
Walang kahirap hirap na umiwas-iwas si Sei-san sa mga atake ng dalawang Shinigami.
"Ugh!" Napatingin ako kay Miyako. Nakikipaglaban siya sa Shinigami. Lumapit ako sa kanila pero naramdaman ko na naman panghihina ko. Pagkatapos ba naman kasi tumakbo ng tatlong kilometro eh nasakal naman? Shoot.
May naalala naman ako bigla. Si Zumi.
"Zumi!" Sigaw ko kay Zumi. Napatingin siya sa'kin. "Naririnig mo ba ako?" Sabi ko sa inner voice.
"O-oo."
"Kaya mo pa ba?"
"Oo."
"Can you heal us?" Naalala ko 'yung ginawa niya kay Kenidaro sa Dimension room. Kaya niyang magpagaling gamit 'yung blue flame niya.
Ngumiti siya, "Nakalimutan ko 'yan ah."
Dahan dahan siyang tumayo at naging mukhang Saiyan na naman siya na napapaligiran n g apoy. Nakuha niya ang atensyon naming lahat.
May nabuong fire ball sa kamay niya. Hinagis niya 'yun papunta kay Kuro. Tapos ako naman pinatamaan niya. Sunod si Lu.
Noong una, napaso ako at oqrang sinusunog ng buhay pero kalaunan ay naramdaman kong ok na ako. Ganto pala ang feeling.
"Ako din uy!" Sabi ni Miyako. Hahaha. Edi ginawa rin ni Zumi 'yun.
BINABASA MO ANG
Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]
De TodoDo you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is based from the facebook group of Custos Tribe and is written when TSOS isn't yet written (and depends...