Chapter 54

830 30 7
                                    

-- Chibi's POV --

Nagpunta kami sa park sa Area A malapit sa Library at grabe! Ang dami na agad ng mga patay! Ilang oras pa lang ang nakakaraan ha!

Doon ko nakita si Keijie-san at Mirai-san na lumalaban sa mga ka-level nilang Shinigamis. Grabe! Ang bibilis nilang kumilos! Si Keijie-san, close range samantalang si Mirai-san, trip ang far range.

May nakita ako sa isang gilid na mukhang Level 2 Custodian na nadapa at sinusundan ng isang Shinigami. Lalapitan ko sana nang may humarang sa aking bulldozer este ano.. MALAKING SHINIGAMI! Para siyang wrestler! Fugde!

Sa braso niya ay nakatattoo ang isang ahas. Parang nakapulupot sa braso niya ang ahas. Eeew.

Hinanda ko ang sarili ko para sa anumang atake niya. Binigyan niya ako ng uppercut at sinubukan kong i-block 'yun pero nang i-sangga ko na ang palad ko sa kamao niya ay napaatras ako dahil sa lakas nun. Plus ang laki ng kamay niya! =___=

Naghabol pa siya ng right hook pero pinangsangga ko na 'yung left arm ko at dahil inaasahan kong malakas 'yon ay pinatibayan ko 'yung braso ko. Tapos sinuntok ko siya ng malakas sa dibdib saka sinundan ko pa ng pagsuntok sa panga niya. Natinag naman siya sa panga dahil napaatras siya. Nilapitan ko siya at sumuntok pa ulit pero naiwasan niya 'yon at pumunta siya sa likod ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na susuntukin niya ako sa ulo kaya nagdodge ako sabay sipa sa binti niya pero nakatalon siya para iwasan 'yon. Lumayo ako ng konti saka siya tinutukan ng grenade launcher. Pinaputok ko 'yon pero laking gulat ko ng hawak niya sa kanang kamay 'yung bomba. Ngumisi siya saka binato pabalik sa'kin 'yung bomba. Mabilis akong tumakbo pero naiwan ko 'yung grenade launcher ko. Peste 'to! Edi ayun, sumamang sumabog!

Tumakbo siya palapit sa'kin at nilabas ang axe niya mula sa likod niya. Binato ko sa ibang direksyon ang boomerang ko pero since hindi sa direksyon niya iyon pumunta ay 'di niya iyon pinansin. Pero bago pa siya makalapit sa akin ay bumalik ang boomerang at tumama sa likod ng ulo niya na nagpatumba sa kanya. Pinulot ko 'yung boomerang saka tinutok 'yung armalite ko sa kanya. Nang iputok ko 'yun ay nagpagulong gulong siya para maiwasan 'yon hanggang sa makalapit siya sa isang Custodian at binuhat iyon saka pinangharang sa akin. Ay leche ka! Napangiwi ako sa ginawa niya.

Tinutok ko pa din 'yung baril ko sa kanya. Ngumisi siya at halos lumabas ang bituka ko nang makitang sinaksak niya mula sa likod 'yung buhat niyang Custos at tumagos pa 'yung ginamit niyang bakal na panaksak doon sa bandang dibdib. Tapos hinagis niya pa papunta sa direksyon ko. Ako naman bilang nag-alala, sinalo ko 'yun kahit duguan na. Kinagat ko ang lower lip ko saka tiningnan 'yung kalaban ko na ngayo'y pinagkakaisahan nina Aka, Kaneki at Akihiro.

Bakit ba kasi hindi gumagana ang SS ko sa kanila? Ano bang ginawa nila?

Nilapag ko 'yung Custodian na buhat ko saka lumapit doon sa kalaban ko kanina na easy easy lang sa pagharap kina Akihiro. Leche, sisiguraduhin kong mapupugutan kita!

Hindi ako nagpahalatang pumunta sa likod niya. Tinutok ko ang armalite ko sa ulo niya saka pinitik ang gatilyo. At ayan, headshot! Pisting 'yan. Hindi pa nakuntento si Akihiro at sinuntok pa ito sa mata.

Lumipat pa kami sa ibang lugar at doon namin nakita si Sei-san na lumalaban. Dalawang medium sized swords ang gamit niya pero walanjo! Nag-eextend pala 'yung espada niya! Parang natural lang na lumalakad siya at kung sino mang humarang sa kanya ay agad niyang sasaksakin o isa-slash ang espada niya. Intense red din ang mata niya. 'Pag sa likod naman manggagaling, walang ano-anong titilapon iyon. Langya pano nangyari 'yun?! Teka... saan ba punta ni Sei-san?

Tiningnan ko ang kanina niya pa tinitingnan. May dalawang Shinigami doon, isang babae at isang lalaki. Shemay! Ang dami na nilang napatay na Custodian! Shete! Ampotek! Argh! Kaya siguro papunta doon si Sei-san.

Custos: The Protectors [CUSTOS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon