Chapter 37

27 1 0
                                    

Ellah's POV

Finally!

I smirked after seeing the gun pointed in my head. It's time to know the truth.

"So it was you all along." I said as if there's no gun pointing directly at me. I saw him smirk.

"Ako nga. Nagulat ka ba? O mas tamang sabihin na kayo?" Hindi ko naman siya sinagot at balewalang umupo sa upuang nasa gilid ko lang. Sumunod naman ang mga kamay niyang nakatutok ng baril. Hindi niya talaga ako tatantanan.

"Ibato mo ang baril." Walang alinlangan ko naman siyang sinunod.

"Tsk. Kung hindi mo sana iniba ang plano, hindi sana ikaw ang nakaharap ngayon sa baril ko. Pero mas mabuti na rin yun. Mas madali lang sa akin na patayin ang isang mahinang kagaya mo." Aniya. Mabuti nalang at madaldal siya kaya hindi na ako mahihirapang magtanong sa kanya.

"Kent! You traitor!" Rinig kong sigaw ni Claw sa linya. Tumawa lang siya ng nakakaloko at ibinato ang file scanner para hindi marinig ang sinasabi ng iba naming kasama.

"Asan na ang totoong Kent?" Tanong ko na siyang nagpagulat sa kanya.

"H-how did you know?" Napangisi naman ako.

"Of course! Kilala ko ang totoong Kent. May inilagay lang naman akong palatandaan sa kanya na ako lang ang nakakakita. Seeing you without it, it only means your not him." Lie. Wala naman talaga akong palatandaan na inilagay. Sa ibang paraan ko nalaman kung bakit hindi siya ang tunay na Kent. But I won't tell. Lalo na at alam kong nakikinig ang iba pa naming kasama sa pinag-uusapan naming dalawa ng impostor na ito.

"So what? Hindi nga ako si Kent. But too late, mamamatay ka na. Matutuwa sa akin ang councils nito pag nalaman nilang may mga bisita kami." Hindi pa pala ito alam ng mga councils kung ganoon. Mas mabuti.

"Ellah, mag-ingat ka sa kanya. Pupuntahan ka namin diyan." Rinig kong sambit ni Erron.

"No need, Erron. I can handle this." Ani ko dito.

"So, nasaan nga si Kent?" Baling ko kay Kent the impostor.

"Hmnn saan nga ba? Nakalimutan ko eh." Natatawang sambit nito. Napakuyom naman ako ng kamay. Mabilis kong binunot ang isang kunai at ibinato sa bunganga ng kanyang baril. Hindi naman ako nabigo dahil tumarak ito na siyang naging dahilan para maharangan ang bala ng baril kaya hindi niya na ito magagamit.

"Matagal ko ng alam na isa kang impostor. Kaya nga kita sinama rito eh, para tayong dalawa ang magharap." Nawala naman ang ngisi ko at bumunot ulit ng dalawang kunai. Sinubukan niyang bunutin ang isa pa niyang baril pero mabilis kong binato ang kamay niya.

"Sinabi ko na kanina, hindi ba? I really despise people risking the lives of their colleagues by betraying them. Although you aren't a colleague, but you are an enemy." Malamig kong saad at binato ang cctv dito sa loob para hindi nila makikita ang gagawin ko. Pinatay ko rin lahat ng communication device na suot ko.

"Naaalala mo ba ang nangyari sa tatlong lalaki na pinatay sa field?" Nakangisi kong tanong habang papalapit sa kanya. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya. At ang pamumutla.

"I-ikaw ba ang may kagagawan non?" Mas lumaki naman ang ngisi ko. Natulos naman siya sa kanyang kinatatayuan.

"Yeah. Ako nga. Let me tell you the story...."


                                                                        ~ Flashback ~

Third Person's POV

Sa huling ikot ng dalaga ay hininaan na nito ang takbo. Nang pabalik na siya ay bigla siyang hinarangan ng tatlong lalaki. Sa lugar pa talaga na walang mga tao. Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang isa sa mga ito ay ang kapatid ng babaeng pinatay kahapon sa kanyang harapan.

Detrimentum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon