Chapter 5

56 4 0
                                    

Ellah's POV

May inutusan yung lalaki kanina, Isa sa kanyang mga tauhan para samahan ako.

Ipinahatid niya ako patungo sa bago kong dorm.

Kahit na ako'y natatakot, pinalakas ko ang aking kalooban para kahit papaano ay mawala ang mga posibleng mangyayari na naglalaro sa aking isipan.

Nakakaramdam ako ng kakaiba sa paaralang ito.

May kakaiba sa aura ng paligid kahit pa natatabonan ito ng magagandang kapaligiran.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mamangha sa paligid.

Isa ito sa napakagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko.

Malalagong puno at halaman.

Mga bulaklak na may ibat-ibang klase, mga structures na modern ang design with the touch from the classical era.

Marami na rin akong nakitang mga estudyante, ang iba sa kanila ay nakangise, merong parang naaawa, ang iba naman ay parang wala lang pakialam.

Napatigil ako este kami sa paglalakad ng may sumambit sa pangalan ko.

"Ms. E-ellah?"

"H-hi! sino ka?" Tanong ko rito.

She knew my name.

"Hindi na yun mahalaga. Bakit ka nandito?! Alam mo bang delikado dito?"

Napaatras naman ako ng tumaas ang boses niya. B-bat siya nagagalit?

"Bakit ka- "

Mabilis pa sa alas kwatro akong napatakip ng bibig.

Bago ko pa matapos ang aking sasabihin sa babae ay may tumarak na punyal sa dibdib nito mula sa likuran na umabot hanggang sa harap nito.

Mas lalo akong natakot ng makita ang babaeng sumuka ng dugo.

Kung hindi lang ako napatakip ng bibig, baka kanina pa ako sumigaw ng malakas sa kinatatayuan ko.

"M-mag i-ngat k-ka-a ms. E-ellah." Huling bilin ng babae.

Ngumite pa siya bago tuluyang matumba.

Hindi ko na napigilang mapahagulhol sa nakita.

I-I'm just d-dreaming, r-right??

"Let's go ms Frerire."

Inalalayan ako ng tauhan nung lalaki paalis na parang normal lang itong mangyari.

I-is this what he's talking about survival?

I can't tell when will I survive.

I don't know how to survive.

Is this a place for monsters?

I don't think I belong here.

Andito ako ngayon sa loob ng aking silid. Iniisip ko ang nangyari kanina.

Pero kahit saan ako tumingin ay siguradong wala akong kawala sa mga tao rito.

Kaya napag isip-isip ko na walang saysay kung matatakot ako sa lugar na ito.

Dahil siguradong mamamatay lang rin ako sa huli.

Pero bakit pinatay yung babae kanina?

May atraso ba yon?

Pero parang mabait naman yung babae.

Ang mas hindi katanggap-tanggap, parang walang nangyari kung umasta ang mga tao kanina.

Parang sanay na sanay o normal na sa kanila ang makakita ng ganong senaryo.

Sa huli ay napagpasyahan kong umakto ng normal.

Pero makakaya ko kaya?

Alam kong isa lamang akong inosenteng babae na maski langaw ay hindi kayang patayin.

Yan ang turing sa akin ng mga estudyante sa El Maya De Unibersidad.

So if I'll live with that title inside this kind of academy is not that hard right?

Detrimentum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon