Ellah's POV
"Start now everyone." Napahinga naman ako ng malalim saka nagsimulang tumakbo. Or kung takbo ba ang tawag sa ginagawa namin ngayon. Paano ba naman kasi, may hila-hila kaming dalawang naglalakihang gulong ng ten-wheeler truck. Tas lilibutin namin ang buong field for five laps. Tsk.
Habang naglalakad, naalala ko ang nangyari pagkatapos kung umamin sa kanila na ako ang naghack ng system ng Academy.
~Flashback~
Tahimik lang akong naglalakad pauwi sa dorm ko. Iniiwasan ko ngayon ang mga kaklase ko dahil ramdam ko ang kakaibang tingin ng mga ito sa akin. Bakit ko ba kasi sinabi sa kanila na madali lang i-hack kahit ang mga identities nila. Tsk. Minsan talaga, kinukwestiyon ko ang sarili ko kung matalino ba talaga ako.
Sisigaw sana ako ng may humila sa akin pero ng makita ko ito ay hindi ko na itinuloy. Dinala niya ako sa dorm ni Claw at nakitang andito pala ang lahat ng kaklase ko. Kakasabi ko lang na iniiwasan ko sila diba?
"What do you want?" Ani ko para itago ang kaba. Pero walang umimik sa kanila habang nakatingin sa akin. Napairap naman ako at tumingin sa gawi ni Claw na nakaupo sa kanyang kama. Gising na pala siya.
"Baka matunaw ako niyan, tas wala pa kayong nasabi sa akin ni kahit isang salita." Ani ko ulit. Ikaw ba naman titigan ng anim na lalaki.
"Tama ba yung sinabi mo kagabi?" Biglang saad ni Erron na siyang humila sa akin at nakabantay sa pintuan. Takot ata silang tumakas ako. Pano naman kaya ako makakatakas sa kanila? Tss.
Umupo naman ako sa sofa sa tabi ni Kent.
"Kailangan ko pa bang ulitin? Tsk. Bakit nga ba bini-bigdeal niyo ito? Alam naman ng lahat kung sino kayo." Saad ko saka kinuha ang cellphone. Mas maganda pang magbasa ng online books kesa makipag-usap sa katulad nila.
"Bakit ka nagpapanggap na hindi mo kami kilala?" Rinig kong tanong ni Claw.
"Trip ko lang?" Sagot ko habang patuloy pa rin sa pagbabasa.
"Sabihin mo nga, may alam ka ba sa Frerire Empire?" Napatigil ako sa pagbabasa at napatitig kay Damien ng seryoso. Napailing nalang ako ng makitang umiwas siya ng tingin.
"Maliban sa alam kong isang secretong kapanig ng mga mafia ng bawat isa sa inyo ang Frerire Empire? Wala na-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil ilang sandata na ang nakatutok sa akin. Pagak naman akong natawa.
"What? Papatayin niyo ako because I know that very secret? Tsk. Wala naman ata kayong utang na loob no? After kung tulungang iligtas ang buhay ng ilan sa inyo rito, babawian niyo na ako ng buhay? Tsk." Iling kong saad saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Ilang saglit lang ay nakaramdam na ata sila ng pangangalay at ibinababa na ang mga sandatang hawak.
"Let's make a deal." Bigla kong saad.
"Makikipagtulungan kayo sa akin na imbestigahan kung anong organisasyon ang nasa likod nito. Total, iyan naman talaga ang pangunang misyon niyo kung bakit kayo nandito. Tama ba?" Ani ko at tumayo na saka naglakad papalapit sa pinto. Binuksan naman ito ni Erron.
"Dont worry guys, alam ko namang magtago ng sekreto." Dagdag ko.
"It's a deal then." Rinig kong sambit ni Erron bago sinara ang pinto.
~Flashback Ends~
Naabala ako sa pag-iisip ng mapansin ang tumabi sa akin. Si Cryton pala na katulad namin ay pawis na pawis na rin. Ikatatlong libot ko palang ito katulad niya habang ang apat sa kalalakihan ay pang-apat na.
Si Damein naman ay medyo nauuna lang sa amin ni Cryton. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil sa nakita. Paano ba naman kasi, kahit pawis na pawis at nahihirapan na si Damein ay kumakain pa rin ito ng chichirya.
"Kaya mo pa?" Nagtaka man ay tumango parin ako.
"Ikaw?" Balik kong tanong. Siya naman ang tumango.
"Segurado ka ba talaga sa deal?" Mahina niyang tanong. Pasimple naman akong tumingin sa paligid. Mabuti nalang at malayo pa kami sa pwesto ni Blake.
"Yep. Sinabi ko na sa inyo ni Erron that night diba?" Tumango naman siya. Hindi na kami nag-imikan at ipinagpatuloy na ang mabagal na pagtakbo. Mabuti na nga lang at kahit halatang pwede siyang mauna ay sinasabayan niya pa rin ako.
Medyo naninibago pa nga ako dahil sa ngayon pa lang ata ang pinakaunang pagkakataon na nakipag-usap siya sa akin ng ganito. Hindi ko rin naman inakala na may ganito rin palang side si Cryton.
Hindi ko namalayan ay naabutan na pala namin si Damein na kanina pa kumakain. Ibang klase talaga.
"Uie! Pahingi." Ani ko habang nakalahad ang palad. Napatingin naman siya sa akin at napasimangot. Kaya nagpaawa effect ako sa kanya kaya mas sumimangot siya saka padabog na ibinato sa akin ang chichirya. Natawa naman ako.
"Salamat!" Masaya kong saad pero napanganga nalang ng makitang may kinuha ulit siyang chichirya sa bulsa niya. Napailing nalang ako ng makabawi. Inabutan ko rin si Cryton na hindi naman tumanggi at kumuha rin sa chichiryang bigay ni Damein.
"Ellah, punta ako mamaya sa dorm mo ah? Doon ulit ako kakain!" Napailing nalang ako at napasimangot. Nag-iiba talaga ang kanyang ugali kapag pagkain ang pag-uusapan.
"Tsk. Basta ba bigyan mo rin ako ng mga chichirya mo palagi." Saad ko. Tumango tango naman siya.
"Sige sige." At hindi namin namalayan ay natapos na pala naming libutin ang buong field ng limang beses. Sabay lang kaming natapos ni Damein at Cryton at umabot kami ng two hours and nine minutes. Mabuti na nga lang at dito lang kami sa mini field pinatakbo eh. Dahil kung sa oval? Naku, baka isang libot pa lang ay patay na kami sa pagod.
Si Erron naman ang pinakaunang nakatapos sa test in one hour and twenty six minutes. Dalawang kilometro lang kasi ang buong libot sa field eh. Si Claw naman na medyo mahina pa ay umabot ng one hour and forty five minutes same goes to Kent. Tas two hours and fifty one minute naman si Tyron.
Kaya maraming oras pa ang magugugol nila sa pagpapahinga. Kaming tatlo naman ay may kalahating oras na lang para sa susunod na test, which is ang long range combat. Ewan ko nga dito kay Cryton at naisipang sumabay sa akin eh.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...