Ellah's POV
Lumabas ako ng dorm ng alas nuebe impunto. Tahimik na ang paligid- I mean lagi namang tahimik ang paligid kapag gabi. *Roll eyes*
"Wohoooh!!!! Patayin na yan!"
"Patayin mo na!"
Yan agad ang bumungad sa akin pagdating ko sa loob ng arena. Lagi namang ganito eh.
Minsan ay mas gugustuhin ko na sana ay sakop nalang ng absorber ang buong dark arena para lagi nalang tahimik ang paligid. Pero hindi naman exciting kung hindi natin maririnig ang tinig ng isang nasasaktan at nagmamakaawa, right? Ewan basta ang gulo ko.
Sinubaybayan ko naman ang nangyari sa ibaba. Dalawang babae pala ang nag-aaway. Ang isang babae ay lugmok na at puno ng pasa. Habang ang isa naman ay nakangise lang habang sinasaksak niya ang naunang babae ng isang maliit na kutsilyo.
Rinig na rinig ko kahit dito sa kinatatayuan ko ang pagmamakaawa ng babaeng nasa sahig. Halata namang sinadya ng nakangising babae na saksakin siya ng dahan-dahan sa mga parte ng katawan na malayo sa vital parts. A perfect torture indeed.
Kill or be killed
Yan ang klase ng labanan na nangyayari ngayon. Pinapatagal lang ng babaeng ang pagpatay ng kalaban niya.
Napahinga nalang ako ng malalim sabay pikit ng mga mata. Hindi naman kasi ibig-sabihin na dahil sa masama akong tao at ginagawa ko rin ang ganyang bagay ay wala na akong mararamdamang awa sa iba.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano at saan nagsimula ang lahat ng ito.
Kung ano ba talaga ang tunguhin ng Dalle EL Mafia at isinakatuparan ang patakarang ito at pahirapan ang mga estudyante. Ayos lang sana kung yung mga estudyanteng hindi inosente lang ang kinukuha nila. Pero hindi eh, pati ang mga inosenteng estudyante ay nadamay.
Wala sa sariling kinuha ko ang isang kunai sa holster ko. Kasabay ng pag-alis ko sa pwesto ko ay ang siyang pagbato ko ng kunai sa babaeng nagmamakaawa. Ito lang ang maaari kong itulong sa kanya. Ang tapusin ang paghihirap niya sa harap ng walang awang sumasaksak sa kanya.
Natahimik naman ang buong paligid. Marami ang napatingin sa pwesto ko kanina kaya mabuti nalang at mabilis akong umalis sa pwestong iyon.
Napatingin naman ako sa babaeng sinasaksak kani-kanina lang. May nakatarak ng kunai sa puso niya at wala ng buhay. Habang ang kalaban niya naman ay gulat na gulat ng makitang patay na ang kanina lang ay pinapahirapan niya pa.
Agad kong napansin ang mga nakaitim na cloak na nagtungo sa kinatatayuan ko kanina. Ang mga reapers. Of course kailangan nilang madakip ang sinumang gumawa ng bagay na katulad non.
Dahil bawal na bawal sa loob ng arena ang makialam sa labanang ginaganap. Kahit sino pa man at kung sa anong paraan pa man ito. Ang sino mang makikialam ay seguradong hindi na sisilayan ng araw. Yun ang dahilan kaya ako mabilis na umalis sa pwesto kanina.
"Ikaw! Ikaw ba ang may gawa non?" Ani ng isang reaper sa kwenilyuhan niyang lalaki na malapit lang sa pwesto ko kanina. Mabilis namang umiling ang lalaki. Ganoon rin ang ginawa ng iba pang reaper sa mga kalapit ko kanina.
Marahas kong ipinikit ang mga mata dahil sa nangyayari. Hindi ko inakalang umabot sa ganito ang pagtulong ko sa babae kanina na matapos na ang paghihirap niya. Marami tuloy ang nadamay.
Mabilis akong kumuha ng apat na kunai at ibinato sa apat na reapers. Hindi ko naman sila pinatamaan sa vital parts nila. Kundi para lang yun makatulog ang mga reapers at makatakas ang mga estudyanteng malapit lang sa pwesto ko kanina na siyang nadamay sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Aksi"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...