Ellah's POV
Napahinga nalang ako ng maluwag saka mabilis na humarap sabay hatak ng kamay nito. Mabilis naman siyang nakailag sa suntok ko at gumanti.
Mabilis ko namang nasalo ang paa nito at tinulak. Pero magaling itong magbalanse ng katawan kaya hindi siya nahulog sa sangang tinatapakan namin..
Napaliyad naman ako ng sumalubong sa akin ang kamay niyang may hawak na dagger. Muntik ng maputol ang leeg ko. Wew.
Siya naman ang gumanti sa akin at sinipa ang isa kong paa pero mabilis kong naibalanse ang sarili sa sanga at lumayo sa kanya. Wew! Muntik na ako dun ah! Nasa mataas na bahagi pa naman kami ng puno.
Mabilis kong sinalo ang kamao niya at sinipa siya sa sikmura. Pero nasalo ito ng kaliwa niyang kamay at umatras. Pero bago pa siya makahakbang ulit ay sinipa ko siya sa leeg gamit ang kaliwang paa.
Kaya naman ay na-out balance siya. Ngunit nakalimutan ko atang hawak niya ang paa ko. Kaya naman ay nadali ako ng pagkahulog niya.
Pero habang bumabagsak kami ay malakas ko siyang sinipa sa mukha gamit ang isa kong paa kaya nabitiwan niya ako.
Sabay ng pagsipa ko ay ang pagbwelta ko ng talon pabalik sa taas. Mabuti nalang at magaan lang ako kaya madali lang para sa akin ito.
Pagtapak ko sa isang sanga ay tinignan ko naman siya na nakaapak sa lupa na parang wala lang. At bago niya pa ulit ako sugurin, I blended myself into the darkness.
Third Person's POV
Kakatakas pa lang ng nakasuot ng kulay gray na hooded jacket. Ang nakalaban naman nitong lalaki na siyang lider nila ay pinaspasan na ang sarili.
Habang ang ilan naman sa mga kasamahan nito ay hindi na napigilan ang sarili. Malakas itong nagtawanan dahil sa sinapit ng kanilang lider. Kaya sinamaan naman ito ng tingin ng huli. Pero hindi pa rin tumigil ang mga ito. Kaya napailing nalang ang iba pang kasamahan nila.
"Sensya na. H-hindi lang kasi kapani-paniwala na ang nangyari sayo First." Ani ng isa sa kasamahan nito na si Seventh. Tahimik namang umayon ang iba.
Si First kasi ang kilala nilang pinakamagaling humuli ng kahit sino. Patunay lang noon ay ang nangyari kanina ng mabilis lang na mahawakan ni First ang balikat ng sumusunod kanina.
Pero dahil rin sa nangyari, napag alaman nilang hindi lahat ay matatalo ng kilala nilang mabagsik na si First. Na may mas magaling parin dito.
Pero mabilis lang ring nawala ang magaan na atmospera ng paligid. Sumeryoso ang lahat ng mapagtanto nila ang nangyari.
Hindi basta-basta ang taong nakalaban ni First. At nagtataka sila kung paanong hinayaan lang nito na sundan si First hanggang sa hidden base.
Pagpasok nila sa conference room ay tahimik lang silang nakatingin kay First na ngayon ay tahimik lang ring inaalisa ang pangyayari sa isipan.
Hindi parin mawala-wala sa kanyang isipan ang nangyari sa kanina. Alam niyang may iilang mas magaling pa sa kanya. Pero hindi niya lubos maisip na isa sa mga iilan na iyon ay isang babae.
Tama. Segurado siyang babae ang nakalaban niya kanina dahil sa postura at hubog ng katawan nito.
Kaya nang mapansin niyang tahimik lang na nakatingin sa kanya ang mga kasamahan ay napahinga nalang siya ng malalim.
"Go ahead." Si Second ang unang nagtanong.
"Ba't mo hinayaaang masundan ka ng taong iyon?"
"That person broke the rule of the Arena."
Natahimik naman ang lahat sa narinig habang bakas sa mukha ng mga ito ang gulat at higit sa lahat ay anticipation.
"Which rule?" Nagulat pa sila ng marinig ang boses ng pinakatahimik sa grupo na si Fifth. Pero imbes bigyan ito ng pansin ay mas interesado sila sa maaaring isagot ni First.
"No Interference."
Halos pigilan na ng bawat isa sa kanila ang kanya-kanyang hininga. Alam ng kahit na sino kung ano ang mangyayari kapag lalabagin ang isa sa mga rules ng Arena. Kaya naman ay walang ni kahit isa ang naisipang labagin ito. Kahit ang mga estudyante ng Dominiarium ay sinusunod ito.
At kung may lumabag man nito, isa lang ang maaaring posibilidad, dumating na ang taong hinihintay nila. Sana nga ay hindi sila nagkakamali ng iniisip.
"Siya na kaya ang hinihintay natin?" Walang sumagot sa tanong ni Ninth. Lahat ay may kanya-kanyang sagot na isinmantabi nalang nila para sa sarili.
"We should be more observant and cautious to our surroundings." Nagsitango nalang ang lahat sa sinabi ni First.
Nagtagal pa sila sa conference area dahil ngayon rin naman kasi ang reporting nila tungkol sa ganap ngayon sa buong akademya.
At isa na doon ang nangyaring infiltration ng Dominiarium sa intel base ng academy. Yes alam nila ang tungkol doon. Pero bakit nila hinayaan ang mga ito? Simple lang, sila ang Detrementum Sentinels.
Sa kabilang banda naman ay agad na kinuha ni Ellah ang kanyang laptop pagdating niya ng dorm. Inilagay niya agad dito ang usb na naglalaman ng impormasyon na nakuha nila during the infiltration incident.
Agad niyang tinignan ang buong file contents ng usb pero wala siyang nahanap. Kaya asar niyang sinuntok ang lamesa na naging dahilan na maglaglagan ang ilang gamit na nasa ibabaw nito. Buti nalang at hindi nadali ang laptop niya.
Napatigil naman siya ng may maalala. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang isa niya pang laptop na naglalaan ng impormasyong nakuha niya noon sa Detrimentum Website bago pa man siya napunta sa academy.
At kung iniisip niyong normal lang na laptop ang pinaglagyan niya ng impormasyong iyon, nagkakamali kayo. Isa itong improvise laptop na hindi mapapasok ng kahit sino ang system. May automatic built in security ito na hinding-hindi mabubuksan ng kahit sinong hacker. With high tier virus pa ito.
Kaya naman nung sinubukang etrace ng academy ang pinanggalingan niya noon ay nagresulta lang ito ng pagkasira ng mga computer nila.
So much for that, agad na iniscan ni Ellah ang document na naglalaman ng iilang impormasyon tungkol sa academy. Kahit kaunti lang ang impormasyong nakalagay sa site na iyon, hindi pa rin basta-basta ang mga ito.
Kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng Councils ng malaman nila ang tungkol sa pagpasok ng system nila.
Ilang saglit pa nga ay nakita na ni Ellah ang kanina niya pang hinahanap.
Reapers
They are the cleaners of any "garbage" of the academy. They are the penalty maker of any students who broke the rules or make any form of mistakes. They are under the command of the councils unlike the sentinels who is directly under the command of the Don.
Napakunot naman ng noo si Ellah sa nabasa. Sentinels? She never heard of it until now. Are they that group she just have a clash with a while ago?
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...